You are on page 1of 1

Ang turismo ng Pilipinas ay isa sa dahilan kung bakit nakikilala ang bansa.

Naibabahagi ang
mga tanawin na meron dito sa Pilipinas sa ibang tao o kaya sa mga dayuhan. Kagaya nang
lugar sa Palawan na tahanan ng kay raming mga lugar na dinadayuhan ng mga turista, isa sa
halimbawa nito ay ang Puerto Princesa o kilala bilang “City in a Forest” kung saan meron
kang makikitang magagandang atraksiyon. Binabalik-balikan din ang “Boracay Beach ng
Aklan, Mayong Volcano ng Albay, Chocolate Hills ng Bohol at marami pang iba”. Dahil nga
maraming tao ang pumupunta sa mga lugar na ito kailangan mapanatili ang katahimikan o
kaya dapat palaging merong “peace and order” dahil kung ang lugar na pinapasyalan ng mga
dayuhan ay naging delikado o magulo matatakot na silang bumisita sa bansa dahil baka
malagay sila sa panganib. Kailangan din mapanatili ang kalinisan hindi lamang sa mga lugar
na pasyalan kundi maging saan pa man dahil wala namang tao na gusto pumunta sa isang
lugar na ubod nang dumi. Kung turismo dito sa Pilipinas ay mapapanatili na binabalik-
balikan ng mga turista meron itong magandang maidudulot sa ating ekonomiya,
magkakaroon ng mga hanapbuhay ang mga nasa paligid nito. Kung mga “tourist spot” o
padsyalan ay palaging malinis , maayos at walang gulo sigurado na ang mga turista ay
babalik-balikan nila ang mga lugar na ito sa Pilipinas. Kasabay ng pagunlad ng turismo ng
Pilipinas ay ang pagunlad din ng bansa na siya rin pagunlad ng mga Pilipino. Kaya kailangan
talagang ingatan ang turismo nang hindi lang dahil sa pagunlad ng Pilipinas kindi dahil din
upang susunod na henerasyon ay maaabutan pa nila. At isa pa turismo natin ay gawa at
bigay satin ng Diyos kaya dapat hindi sayangin dahil wala rin namang mapapala. Suklian din
dapat natin ang kabutihan Niya sa ating lahat.

You might also like