You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY

ARALING PANLIPUNAN 10
LAGUMANG PAGSUSULIT SA IKATLONG MARKAHAN
Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksiyon: _____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

_____1. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian


na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa
ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit

_____2. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima
ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic
violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang
hayop.

_____3. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang


karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins
Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog C. Pangangaliwa ng asawang lalaki
B. Sexual Harassment D. Sex Trafficking

_____4. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM)
sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal

_____5. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan?


A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o
aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may
mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na
pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual
o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon
o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan

_____6. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang


naglalarawan ng kaniyang naging karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media
account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang
kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang
kalagayan.

_____7. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa.


A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga
alagang hayop.

_____8. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng


mga babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng seksuwal na pananakit?
A. 2% B. 4% C. 3% D. 5%

_____9. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa


biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa
lalaki?
A. bi-sexual C. gender
B. transgender D. sex

_____10. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na


itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender

_____11. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit


sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa
katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan
ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla C. transgender
B. lesbian D. homosexual

_____12. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014”


na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa C. Uganda
B. Pakistan D. United Arab Emirates

_____13. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong
pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki
ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa
mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento
samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

_____14. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng


gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang
nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang
bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng
buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay
kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa
karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas
na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
A. 1,2,3,4,5 B. 2,3,4,5,1 C. 3,2,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2
_____15. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t
ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding
sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong
pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang
pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at
maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Lotus Feet C. Purdah D. Dowry
_____16. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

_____17. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng


karahasan sa mga kababaihan.
A. GABRIELA C. USAID
B. LADLAD D. UNDP

_____18. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito
ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang
kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae.

_____19. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino.
Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae,
matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan.
‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin
sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

_____20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong


Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto
sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng
mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-
aabuso at karahasan.

_____21. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan B. pamahalaan C. senado D. simbahan

_____22. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at


kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at
nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

_____23. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa


kababaihan?
A. pagbabaleawala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang
layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang
biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.

_____24. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga


babae at lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women

_____25. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang


maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang kasarian.
Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon
B. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan.
C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at guro.
D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang
pantao.

_____26. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan


ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta
ang binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit

_____27. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang


maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o
hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan na seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
_____28. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas
na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong
prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.

_____29. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang


kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong
ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa
Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu
ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang
naging bunga ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta.
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian
D. pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian

_____30. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong


pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin
sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?
A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman
B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran
C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho

You might also like