You are on page 1of 1

Mitolohiyang Pilipino

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin
hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa
mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala angKristyanismo. Hangang ngayong ang
paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang
Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang
makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga
etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga
diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan

Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal

Lakampati - ang diyosa ng pagkamayabong.

Pati - ang diyos ng ulan.

Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.

Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.

Mayari - ang diyosa ng buwan.

Lakambini - ang diyosa ng pagkain.

· Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.

· Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.

· Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.

· Agawe - diyos nang tubig

· hayo - diyos nang dagat

· idionale - diyos nang pagsasaka

· Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa

You might also like