You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bataan
NAGBALAYONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabildo Street, Nagbalayong, Morong, Bataan
_______________________________________________________________________________________
_
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO (Senior High School)
School Year 2020 – 2021

Pangalan:_____________________________ Pangkat: __________Petsa:___________Marka:_________

Panuto: Para sa aytem bilang 1 – 5, basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin ang mga tanong na tumutukoy sa iba’t ibang
paggamit ng wika mula sa balita sa telebisyon. Piliin ang pinakatumpak na sagot at isulat sa sagutang papel.

Habang mainit pa ang balita tungkol sa pagpapataw ng karagdagang buwis at pagbubukas ng mga
Balikbayan boxes, isa pang isyung kaugnay nito ang mapapanood. Ibinalita ng news anchor na si Pinky Web at
reporter na si Pia Gutierrez ng TV Patrol ang tungkol sa Balikbayan boxes na illegal na ibinebenta ng isang
forwarding company sa ilang mga negosyante.

1. Ano ang maaaring maramdaman ng sinumang makakapanood ng balita?


A. Matutuwa, sapagkat maraming negosyante ang kikita.
B. Malulungkot, dahil hindi naibalita ang kalagayan ng mga OFW.
C. Magagalit, dahil sa mga katiwalian at pang-aabuso sa mga OFW.
D. Maiiyak, sapagkat nagbabadya ng kawalang-pagasa na makaahon pa sa hirap ang mga Pilipino.
2. Paano magiging matagumpay ang sinumang reporter na maiulat ang balita?
A. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng mabagal
B. Sa pamamagitan ng paglakas o pagtaas ng boses
C. Sa pamamagitan ng pagtingin sa camera habang nagsasalita.
D. Sa pamamagitan ng pagpili ng tamang salitang gagamitin sa pag-uulat
3. Sa paanong paraan magiging sensasyonal ang nasabing balita?
A. Kung pagbabatayan ang paraan at nilalaman ng ulat
B. Kung titingnan ang network na naglabas ng nasabing balita
C. Kung isasalang-alang ang desisyon ng publiko o ng mga manonood
D. Kung ang mga naiulat ay pawang katotohanan lamang at walang tinapakang personalidad
4. Ano ang maaring isipin o gawin ng mga OFW pagkatapos mapanood ang nasabing balita?
A. Magpapasalamat at hindi kasali ang Balikbayan box sa mga naiulat na ibinenta.
B. Mag-aalala at mag-aatubili kung magpapadala pa ng Balikbayan box sa Pilipinas.
C. Magsusuplong sa mga kinauukulan upang maparusahan ang dapat managot sa pangyayari.
D. Uuwi na ng Pilipinas upang personal na maihatid ang mga nais ipadala sa mga mahal sa buhay.
5. Paano napatunayan sa nasabing balita ang pagiging makapangyarihan ng telebisyon bilang isang uri ng mass
media?
A. Ito ay nagsisilbing libangan ng mga tao.
B. Ang telebisyon ay bahagi ng buhay nating mga Pilipino.
C. Ang malaking bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain ay batay sa ating napapanood sa TV.
D. Dahil sa dami ng mamamayang naaabot ng telebisyon, nagkakaroon ng kamalayan ang lahat ng taong
nakakapanood nito sa mga nangyayari sa paligid at nakabubuo ng desisyon batay sa kanilang napanood.

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

6. Ang paksang binibigyang diin sa maikling-maikling pelikula na Ruweda (Wheel).


A. Laro B. Kapalaran C. Pag-ibig D. Pamilya
7. Inilarawan niya sa kaniyang pelikula na “Wag Kang Titingin” ang pagkakaiba ng pananaw ng magkaibang
daigdig,
A. Hannah Espia B. Lee Briones Meily C. Pam Miras D. Pat Villafuerte
8. Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Pick-up Lines D. Short Messaging System
9. May mga nagsasabing ito daw ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay
na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng buhay.
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Pick-up Lines D. Short Messaging System
10. Tinatawag din itong love lines o love quotes
A. Fliptop B. Hugot Lines C. Pick-up Lines D. Short Messaging Syste
11. Anong wika ang nangunguna sa boardroom ng malalaking kumpanya lalo na iyong pag-aari ng mga dayuhang
namumuhunan?
A. Filipino B. Ingles C. Nihonggo D. Tagalog
12. Tinagurian itong “Texting Capital of the World”.
A. America B. China C. Japan D. Pilipinas
13. Alin sa mga sumusunod na jargon ang tumutukoy sa mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte?
A. Lesson plan, test paper, essay C. account, balance, debit, credit, cash flow
B. Check-up, ward, x-ray, diagnosis D. exhibit, appeal, complainant, suspect, justice
14. Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipapakilala ng alin sa mga sumusunod?
A. Lesson plan, test paper, essay C. account, balance, debit, credit, cash flow
B. Check-up, ward, x-ray, diagnosis D. exhibit, appeal, complainant, suspect, justice
15. Ang mga jargon na symptom, x-ray, check-up, diagnosis, at therapy ay tumutukoy sa anong propesyon?
A. Abogado B. Doktor o Nars C. Guro D. Inhinyero
16. Sinasabing ang fliptop ay nahahawig sa balagtasan. Saang aspeto ito naiba sa balagtasan?
A. Laganap ang fliptop sa mga kabataan
B. Ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma.
C. Pormal ang wikang ginagamit sa balagtasan at sa fliptop naman ay di-pormal at walang iskrip.
D. Maraming paaralan na ang nagsasagawa nito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
17. Paano naipakikita ang pagkamalikhain ng wika sa pamamagitan ng pick-up lines?
A. Taglish ang wikang ginagamit dito.
B. Madalas itong maririnig sa usapan ng magkakaibigan.
C. Ito ay karaniwang iniuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng buhay.
D. Kailangang ang taong nagbibigay nito ay mabilis mag-isip para sa ilang sandali lang ay maikonekta ang
tanong sa isang nakakapagpakilig na sagot.
18. Ano ang nagagawa sa mga manonood ng mga hugot lines sa mga pelikula?
A. Nagmamarka ang mga linyang ginamit sa pelikula sa puso’t isipan ng mga tao.
B. Lalong nagpapabigat ang mga ito sa nararamdaman ng mga taong problemado.
C. Tinuturuan nito na umasa ang mga tao sa mga bagay na imposible namang mangyari.
D. Nakakaisip ang mga tao na manood na lang lagi ng pelikula sapagkat dito sila sumasaya.
19. Bakit mas marami ang nagpapadala ng text kesa sa tumatawag sa telepono?
A. Mas murang magtext kesa tumawag sa telepono.
B. Mas kumportableng sabihin ang nasasaloob sa text kesa sa tawag.
C. Mas may pagkakataon na iedit at piliin ang angkop na pahayag o salita kung text ang gamit.
D. Ang lahat ng katwirang nabanggit ay tumpak na dahilan kung bakit mas popular ang text kesa sa tawag sa
telepono.
20. Paano sinuportahan ni PNoy ang inisyatibo ni Pangulong Cory Aquino sa pagpapalaganap ng wikang Filipino?
A. Wikang Filipino ang ipinagamit sa lahat ng paaralan.
B. Ipinakulong ang mga mamamayan na nagsasalita ng wikang Ingles.
C. Ginamit niya ang wikang Filipino sa ilang mahahalagang panayam at mga talumpati tulad ng SONA.
D. Ipinatupad ang batas na lahat ng pelikulang ipalalabas sa mga sinehan ay purong Tagalog lamang at
walang pelikulang Ingles.
21. Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala at maimpluwensiyang linguist na nagpakilala ng konsepto
ng kakayahang pangkomunikatibo. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. isang doctor B. isang eksperto C.isang Guro D. isang taong bihasa tungkol sa wika
22. Isa sa mga component ng kakayahang pangkomunikatibo ay ang sintaks. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Mga salita o bokabularyo C. Nagbibigay kakayahan sa tao na makapagsalita
B. Iba’t ibang bahagi ng pananalita D. Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan

Panuto: Para sa aytem bilang 23 - 27, ilahad ang iyong obserbasyon sa kalagayan ng wikang Filipino sa sumusunod.
Isulat ang LAGANAP, DI-GAANONG LAGANAP o HINDI LAGANAP sa iyong sagutang papel.
23. Sa pantanghaling variety show na It’s Showtime ___________________________
24. Sa programang nagbabalita gaya ng 24 Oras ___________________________
25. Sa teleserye na La Luna Sangre ___________________________
26. Sa pelikulang Beauty and the Bestie ___________________________
27. Sa Facebook ___________________________

Panuto: Para sa aytem bilang 28 - 32, suriin ang ang mga kasunod na pangungusap. Kung tama ang diwa ng
pangungusap, isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may
salungguhit upang maging tama ang pangungusap.

28. Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas.


29. Multilingguwal at multikultural na bansa ang Pilipinas.
30. Itinuturing ang wikang Ingles bilang pangunahing unang wika ng Pilipinas.
31. Limitado ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa.
32. May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa.
Panuto: Para sa aytem bilang 33 - 37, tukuyin kung mayroon o walang mali sa sumusunod na mga pangungusap. Piliin
ang katapat na titik ng nakikita mong mali at isulat sa sagutang papel.

33. Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kabataang Pilipino. Walang mali.
A B C D
34. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay. Walang mali.
A B C D
35. Mahalagang suporta ng magulang ang kanilang mga anak upang mapabuti sila. Walang mali.
A B C D
36. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa. Walang mali.
A B C D
37. Ang pagiging responsable nina ay malaking tulong sa lipunan. Walang mali.
A B C D

Panuto: Para sa aytem bilang 38 - 41, basahin nang mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel.

38. Iniutos ng aming guro na (A. walisin B. walisan C. iwalis D. mawalis) ang bakuran ng paaralan.
39. Sampu na (A. palang B. palamang C. pa lang D. parin) mag-aaral ang nagpasa ng takdang-aralin.
40. Pumunta ka dito, mag-usap tayo at (A. ang B. nang C. ng D. nung) matahimik ka na.
41. Sana, tayo (A. na lang B. nalang C. nalamang D. narin) ang nagkatuluyan.

Panuto: Para sa aytem bilang 42 - 45, tukuyin ang layunin ng kausap sa bawat pangungusap at isulat sa iyong
sagutang papel.

42. “Sige, pumunta ka sa bahay namin para magkita tayo. Para Makita mo ang hinahanap mo at nang matahimik ka
na.”
43. “Noong una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang mga sinimulan ni
FPJ.” – Senadora Grace Poe
44. “Haluin mo lang nang maigi, tapos kung sa tingin mong okay na, kumuha ka ng isang kutsara dun sa hinalo mo
tapos bilugin mo. Bola-bolahin mo. Gaya ng ginawa mo sa akin. Paikutin mo sa mga palad mo. Paglaruan mo
kung gusto mo total diyan ka naman magaling eh.”
45. “Malabo na talaga ang mata ko. Puwede ba akong makahingi sa iyo kahit konting pagtingin?”

Panuto: Para sa aytem bilang 46 - 50, bumuo ng isang modelong sumisimbolo sa responsableng indibidwal na
gumagamit ng wika sa social media posts. Isulat sa loob ng katawan ng tao ang mga katangiang dapat ay taglay niya.
Sa mga patlang ay ipaliwanag ang modelong ginawa.

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

Inihanda ni:

VERNA S. GARCHITORENA
Guro sa Senior High School Inaprubahan ni:

DAVE D. BASTO
Punong Guro I
MGA SUSING SAGOT: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Bilang Tamang Bilang ng Tamang Sagot


ng Sagot Aytem
Aytem
1 C 26 DI GAANONG LAGANAPLAGANAP
2 D 27 LAGANAP
3 A 28 TAMA
4 B 29 TAMA
5 D 30 IKALAWANG
6 B 31 LAGANAP
7 C 32 TAMA
8 A 33 B
9 C 34 B
10 B 35 A
11 B 36 D
12 D 37 B
13 D 38 B
14 A 39 A
15 B 40 B
16 C 41 A
17 D 42 Magkalinawan/magkaayos
18 A 43 Makakuha ng suporta
19 D 44 Maipahayag ang sama ng loob
20 C 45 Maipahayag ang pagmamahal
21 D 46 5 puntos – sa tamang sagot na may
konkretong paliwanag
22 D 47 4 puntos – sa tamang sagot na hindi ganap
na naipaliwanag
23 LAGANAP 48
3 puntos – sa kulang na sagot at paliwanag
24 LAGANAP 49 2puntos – sa kulang na sagot at walang
paliwanag
25 LAGANAP 50 1 puntos – maling sagot

Inihanda ni:

VERNA S. GARCHITORENA
Guro sa Senior High School

Sinuri ni:

DAVE D. BASTO
Punong Guro I

You might also like