You are on page 1of 2

HULING HILING

Eyong

Hahayaan kita kung gustong umalis.


Hahayaang kitang lumakas nang mabilis.
Hahayaan kita kung nais lumisan.
Hahayaan kita kung ibig magpaalam
Hindi na kita pipigilan.
Ngunit mayroon akong huling hiling.
Mayroon akong samo at dalangin.
Maari bang ako iyo nang limutin.
Maari bang huwag ka na muling bumalik.
Huwag ka na muling babalik.
Umihip man ang malakas na hangin.
Bumagyo man o bumuhos itong ulan sa atin.
Huwag ka na muling babalik.
Mabasa ka man o lamigin
Itatago ko na ang payong.
Hindi ka na maaring sumilong.
Itutupi ko na ang payong na gamit mo noon.
Na dala ko tuwing susuong sa hamon.
Huwag ka na muling babalik.
Sapagkat hindi na ako maghihintay.
Wala na ako sa dating lugar.
Wala na ako sa dating tagpuan.
Na matiyagang naghihintay sayo.
Na umaasang hahakbang ka pabalik.
Pabalik sa aking mundo.
Pabalik sa ating mundo.
Pabalik sa akin.
Pabalik sa atin.
Huwag ka na muling babalik.
Dahil wala na ang susi sa dating lagayan nito.
Itinago ko na.
Ibinaon.
Malalim.
Hindi mo na maaabot.
Hindi mo na muling mahahawakan.
Hindi mo na muling masisilayan.
Wala na ang susi sa pinto pabalik sa mundo ko.
Sa pintuan na madalas lisanin at balikan mo.

Huwag ka na muling babalik,


Sapagkat sarado na ang pintuan.
Huwag ka na muling babalik,
Sapagkat wala na ako sa dating tagpuan.
Huwag ka na muling babalik.
Ito ang aking huling hiling.
Huwag ka na muling babalik.
Sana ito ay dinggin.

You might also like