You are on page 1of 4

Our Lady of Mt. Carmel Montessori, Inc.

16–22 Camdas Subdivision, Baguio City

Banghay Aralin
ESP 7

Ika-una hanggang Ikalimang na Linggo(Agusto 16 – September 6, 2019)

I.Paksa:
Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/
Pagbibinata (Developmental Tasks)

II. Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinat.
Matapos ang aralin na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
(C)natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa aspetong: Pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad, papel sa lipunan bilang babae o lalaki, asal sa
pakikipagkapwa at sa lipunan, at kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya;
(A) natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata; at
(P) naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

III. Pamantayan sa pagganap


Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos1 (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

IV. Mga Gawain sa Pagkatuto


Pang-Una hanggang Pangatlong Sesyon (Agusto 16,20, at 23, 2019)
A. Panimulang Gawain (Step on the line)
1. Magbanggit ng mga positibo at negatibong kilos at kakayahan sa pagbibinata/
pagdadalaga. Ang mga mag-aaral ay kelangang tumapak sa linya, kung ito ay
naglalarawan sa kanila. Iproseso ang aktibidad pagkatapos.

B.Diskusyon
1. Ipresenta at ipaliwanag ang mga mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata (Developmental Tasks) gamit ang PowerPoint
presentation.
C. Paglinang (Grupo)
1. Hatiin ang klase sa apat na grupo. Sa isang cartolina, pupunan nila ang tsart
katulang ng sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isusulat ang mga pagbabagong
itinala. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang mga katangian noong sila ay nasa
gulang na 8 hanggang 11 taon.
2. Matapos ng gawain ay kanila itong ipepresenta sa harap ng klase.
D. Pagpapahalaga (Pagproproseso)
 Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
 Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata?

Pang-apat na Sesyon (Agusto 27, 2019)-7A


(Agusto 30, 2019)-7B
E. Pagpapahalaga (Pagsusulat ng Liham sa Sarili sa Hinaharap)
1.Gamit ang scroll, magsusulat ang mga mag-aaral ng liham para sa kanilang sarili sa
hinaharap. Magbibigay sila ng mensahe sa kanilang sarili bilang pagpapaalala sa
mga desisyon na kanilang gagawin sa hinaharap.

Pang-apat na Sesyon (Setyembre 2 & 3, 2019)- 7A & 7B


Paalala: Agusto 26, 2019- Ninoy Aquino Day( Walang Pasok)
F. Pagpapahalaga (Film Viewing)
Ipalabas sa klase ang kwento ng isang popular na kuwento na isinulat ni Lewis
Caroll noong 1865 at ginawang animated film ni Walt Disney at nitong huli’y ginawang
pelikula ng Direktor na si Tim Burton., ang Alice in Wonderland. Bagama’t ito ay isang
kuwentong pantasya, napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa mga pagbabago sa
buhay ni Alice bilang nagdadalaga.
Isaalang-alang ang gabay na mga tanong:
1. Ano ang tema ng kuwento?
2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring makapagpalaki
sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa awa at karanasan
ka mas matututo”. (Food can make you big in Wonderland (as in life) but only
mercy and experience can make you wise.)? Ipaliwanag.
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na may kaugnayan
sa pagdadalaga ni Alice. a. Chesire Cat b. Mad Hatter c. Catterpilar d. Queen of
Hearts e. White Queen f. At iba pa
4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong makikita kay Alice
na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.
5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?
6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang paglinang
sa mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa
paanong paraan mo ito lilinangin?

Panglimang Sesyon (Setyembre 6, 2019)- 7A & 7B


G. Pagpapahalaga (Tsart)
1. Ipresenta ang tsart ng paraan ng paglinang sa mga inaasahang kakayahan at kilos
pamamahala sa mga pagbabago sa panahon ng kabataan. Pupunan ito ng mga mag-aaral
at matapos ay pagninilayan nila ang mga sumusunod:
a. paglalarawan ng mga bagay na natuklasan mo sa kanilang sarili.
b. pagtukoy sa mga taong maaaring hingan ng tulong, gabay o suporta
(mga taong may higit na kaalaman sa pagpapahalaga sa moral na
pamumuhay)
c. Kahalagahan ng pamamahala sa pag-unlad ng pagkatao bilang paghahanda sa
susunod na yugto ng buhay.

Pang-anim na Sesyon (Setyembre 9 &10, 2019)- 7A & 7B


carry over on Sep 16 & 17
H. Pagtataya
Quiz tungkol sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/
pagbibinata.
Our Lady of Mt. Carmel Montessori, Inc.
16–22 Camdas Subdivision, Baguio City

Banghay Aralin
ESP 7

Ika-anim hanggang Ika-siyam na Linggo (Setyembre 9- Oktubre 4, 2019)

I. Paksa:
Pagtuklas at Pagkilala sa mga Talento

II. Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinat.
Matapos ang aralin na ito, inaasahang maipamamalas ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
(C) natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple
Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie
(C) Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili
at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
(A) Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at
kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa
pamayanan
(P) Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga talento at
kakayahan at paglampas sa mga kahinaa
III. Pamantayan sa pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos1 (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

IV. Mga Gawain sa Pagkatuto


Pang-Unang Sesyon (Setyember 9, 2019)
A.Panimulang Gawain (Multiple Intelligence Survey Form)
1. Sagutan ng mga mag-aaral ang Multiple Intelligences (MI) Survey Form (McKenzie,
1999). Pagkatapos nito ay kukunin nila ang kabuuang bilang ng kanilang sagot sa
bawat kategorya.
2. Sa kalahating short coupon bond ay kanilang ilalapat ang kabubuang bilang sa bawat
katergorya ng MI gamit ang bar graph.
Paalala: Setyember 13, 2019- Sipat Peace Agreement( Walang Pasok)

Pangalawang Sesyon (Setyember 16 & 17, 2019)- 7A & 7B


B.Diskusyon
1. Ipresenta at ipaliwanag ang paraan ng pagtuklas at pagpapaunlad sa mga angking
talento at kakayahan at paglampas sa mga kahinaan gamit ang PowerPoint
presentation.

Pangatlong Sesyon (Setyember 20, 2019)


C. Paglinang (Pagsagot)
1. Muling ipresenta ang ilang mga item mula sa Multiple Intelligences Survey at
aalamin ng mga estudyante kung anong kategorya ng multiple intelligence nabibilang
ang mga ito.
D. Pagpapahalaga (Pagbabahagi)
Sasagutin at magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga karanasan base sa mga
sumusunod na tanong:
1. May talento ba ang bawat tao? Pangatuwiranan.
2. Magkasinghulugan ba ang talento at kakayahan? Patunayan.
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gardner na ang mas angkop na tanong ay “Ano ang
iyong talino?” at hindi “Gaano ka katalino?” Pangatuwiranan.
4. Sang-ayon ka ba sa dalawang bagay na natuklasan nina Prof. Ericsson tungkol
sa talento at kakayahan? Patunayan.
5. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit dapat paunlarin ang ating mga talento at
kakayahan.
6. Bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sarili?
7. Ipaliwanag ang mga elemento ng Plano ng Pagpapaunlad sa Sarili.
8. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinahahayag ng “Parable of the
Talents”? Ipaliwanag.
9. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan?

Pang-apat hanggang Panglimang Sesyon (Setyember 23, 24, & 27 2019)


E. Paglinang (Performance Task--Variety Show)
1. I-grupo ang mga mag-aaral base sa kanilang multiple intelligence. Sila ay
maghahanda ng 3-5 minutes na pagpapamalas ng kanilang mga talento sa
isang variety show. Magbigay ng sapat na oras para sila ay magplano at
maghanda.

Pang-anim na Sesyon (Setyember 30 and October 1, 2019)- 7A& 7B


F. Pagtataya
1. Pagsusulit ukol sa paraan ng pagtuklas at pagpapaunlad sa mga angking talento at
kakayahan at paglampas sa mga kahinaan gamit ang PowerPoint presentation.

Pangpitong Sesyon (October 4, 2019)- 7A& 7B


G. Pagtataya
1. Presentasyon ng performance task – Variery Show

Pangwalong Sesyon (October 7 & 8, 2019)- 7A& 7B


H. Pagpapahalaga (Pagproseso ng Performance Task)
1. Ibigay at iproseso ang naganap na performance task at ang kahalagahan
ng pagpapakita, at paglinang ng kakayahan at talent.
2. Muling balikan ang mga importanteng konsepto na napag-aralan para sa
unang markahan.

Paalala: October 9- 11, 2019- Unang Markahang Pagsusulit

You might also like