You are on page 1of 1

PEBRERO 28, 2022

VICE MAYOR ANTHONY L. MARASIGAN


Municipal Vice Mayor
San Juan, Batangas

Sir;

MAPAGPALANG ARAW PO SA LAHAT!

Bilang paghahanda sa gaganaping pilot limited face-to-face ng ating paaralan- ANGELES


LUISTRO INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL, kayo po ay aming inaanyayahan na dumalo sa gaganaping
“Parent’s Orientation” sa Martes (March 1, 2022), sa ganap na ika 9 ng umaga sa bulwagan ng
paaralan.

Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang mga bagay kailangang tandaan at isaalang- alang sa
gaganaping pilot implementation ng limited face-to-face na magsisimula sa Lunes (March 7, 2022).

Nilalayon din ng pagpupulong ito na magkaroon ng pagkakaisa ang mga magulang, guro at iba
pang stakeholders para sa ikatatagumpay ng gaganaping face-to-face sa ating paaralan.

Hinahangad ng pamunuan ng paaralan na kayo ay makadalo at mabigyan ng oras ang aming


paanyaya para sa ikaaayos at tuloy- tuloy na pagsasagawa ng limited face-to-face sa ating paaralan. Ang
inyong presensiya ay lubos naming pasasalamatan.

MARAMING SALAMAT PO!

PAGPALAIN PO TAYONG LAHAT NG POONG MAYKAPAL.

Lubos na gumagalang,

ANTONINO S. PALAGANAS
Ulong guro

You might also like