You are on page 1of 2

To our hardworking principal, _________. Sir!

To our barangay captain, ______________!

To our high-esteemed guest of honor and speaker, to our dedicated teachers, proud parents, fellow
graduates, guests, ladies and gentlemen. Good afternoon po!

Today is a day to be thankful and to be inspired. I am beyond blessed and grateful to have the
opportunity to speak in front of everyone.

Madalas man akong akong kainin ng stage fright, narito ako ngayon, nakatayo at taos pusong
nagpapasalamat sa mga taong patuloy na naniniwala sa aking kakayahan.

Itinataas ko ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal sa handog niyang pang-araw-araw na kalakasan
ng ating mga katawan, tatag ng isip, tibay ng loob, at kaligtasan.

Sa aking pamilya at mga magulang, mama at papa, na laging nariyan at patuloy na gumagabay upang
makamit ko ang aking mga pangarap. Sa kabila ng kahirapan, hindi niyo kami pinababayaan at patuloy
ninyong itinataguyod ang aming pag-aaral at pangangailangan. Hindi man tayo mayaman, hindi
matatawaran ng kahit anong salapi ang inyong mga sakripisyo at pagmamahal upang masiguro ang
aming kapakanan at magandang kinabukasan. Maraming Salamat po sa inyo at ipinagmamalaki kong
kayo ang mga magulang ko!

Sa aming mga guro na walang sawang nagbibigay ng inspirasyon, aral at gabay sa amin, maraming-
maraming Salamat po. Ipagpaumanhin po ninyo ang anim na taon ninyong pagtitiis sa katigasan ng
aming mga ulo, kaingayan, kakulitan at katamaran. Baon namin sa aming pagtatapos ang mga aral na
natutunan naming sa inyo para sa tatahakin naming landas. Isang karangalan ang makapagtapos sa nag-
iisang gaudencio B. Dumalo National High School.

At eto na nga, classmates! Finally, natapos din natin. Nagawa din natin!

Binago man ng pandemya ang lahat at naging laking module tayo, nagawa nating makapagtapos Dahil sa
ating tiyaga at pagsasakripisyo!

Dalawang taon tayong sinubok ng COVID-19! Ngunit hindi ito hadlang upang tayo’y hindi makapag aral,
marami tayong natutunan mula sa ating mga guro. Nakapagbigay din tayo ng pagpapahalaga sa oras na
nakakasama natin ang ating pamilya, mas nabibigyan natin ang ating sarili ng quality time, nadiscover
natin ang ating mga talento at creativity sa pagtitiktok, Instagram, facebook at iba pa. Nagamay din
natin ang multi-tasking skills sa zoom :D Umusbong ang self love at marami-rami din ang nag-glow up!

Hindi man tayo kadalasang nagsasama-sama di tulad noong bago magpandemya, buo parin ang ating
koneksyon sa isa’t-isa. Nakakalungkot lang isipin na hindi natin nadagdagan ang mga magagandang
alaala na tayo’y magkakasama bago tayo tuluyang umalis sa paaralang ito.

Sabi nga nila, hindi ito ang huli. Nagsisimula palang tayong bumuo ng pangarap natin at papunta na tayo
sa exciting part.
Wag sana nating kalimutan ang lahat ng ating mga natutunan mula sa ating mga guro at mga magulang.
Dalhin natin ang ito sa tatahakin nating landas.

Sa pagtatapos nating ito, Isang pinto naman ang magbubukas para sa ating hinahanarap, ngunit hindi
ibig sabihin nito na dapat nating madaliin ang lahat sa ating buhay. Kung ano man ang nais natin sa
buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating
magsumikap upang makamit ang mga ito at tuluyang maabot ang ating mga pangarap.

Binabati ko kayo ng maligayang pagtatapos!

CONGRATULATIONS DGBDNHS!

CONGATULATIONS PROUD PARENT!

CONGRATULATIONS BATCH 2022!

Muli, Maraming Salamat po!

You might also like