You are on page 1of 7

MABINI COLLEGES, INC.

Daet, Camarines Norte

Pagsusuri ng Akda

A. Pamagat ng Akda – May akda :


- SANDOSENANG SAPATOS ni Luis P. Gatmaitan.

B. Sanggunian:
- https://philnews.ph/
- https://philnews.ph/2022/02/02/sandosenang-sapatos-ni-luis-p-gatmaitan-
buong-kwento/

C. Kahulugan ng pamagat:
- Ang pamagat na “Sandosenang Sapatos” ay nangangahulugan ayon sa
kwento na ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak ay hindi
matutumbasan ng kahit ano man. Sa kwento, kahit alam ng ama nila Karina
na hindi kailanman makakalakad si Susie ay ginawan ito ng ama ng sapatos.
Pinakita ng kanilang ama ang wagas na pagmamahal, hindi pinaramdam ng
kanilang ama na may lamang sa kanilang dalawa ni Karina kahit may
kapansanan si Susie. Minahal nya ng sapat at pantay ang dalawa.
Pinagtatanggol at binigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya para
hindi sila maghirap kaya nagsumikap sya. Hanggang sa mga huling sandali ng
kanilang ama, ramdam nito ang malasakit at pagmamahal ng kanyang
pamilya.

D. Buod
- Ang kwento ay tungkol kay Karina. Ang tatay nya ay isang
sapatero, lagi sya nitong ginagawan ng magagandang sapatos na
kinaiinggitan ng mga kaklase nya. Siya ay nasa ika-dalawang baitang ng
magkaroon siya ng kapatid, ito ay si Susie. Labis na natuwa ang kanyang
magulang lalo na ang kanyang tatay. Naisip ni Karina na dalawa na silang
gagawan ng kanyang ama ng sapatos kung kaya’t lalo syang natuwa. Noong
pinanganak si Susie ay may kapansanan ito, wala syang mga paa kung kaya
hindi sya magagawan ng sapatos ng kanilang tatay. Hindi rin matutupad ng
kanilang tatay na magkaroon ng anak na sumasayaw ng ballet kaya para
mapawi ang lungkot ng kanilang ama, sinubukan ni Karina na mag aral
sumayaw ngunit hindi talaga para sa kanya ang pagsasayaw.
Hanggang sa lumaki na sila Karina at Susie na malapit sila sa isa’t isa.
Tumigil na rin sa pagiging sapatero ang kanilang ama, tanging mga suki na
lang ang ginagawan nito ng sapatos. Isang araw napagkwentuhan nila Karina
ang panaginip ni Susie na ayon dito ay may mga magagandang desenyo ng
sapatos na suot suot ito, nais pa nga ni Susie na gumawa ng mga kwento
tungkol sa mga ito at ang ate niyang si Karina ang magguguhit. Maraming
magagandang desenyo ng sapatos ang napapanaginipan ni Susie, natutuwa
naman si Karina sapagkat kahit man lang sa panaginip nakakalakad ito.
Lumipas ang mga buwan ay naging sakitin na ang kanilang ama at di rin
nagtagal namatay ito. Labing dalawang taon si Susie ng namatay ang
kanyang ama na labis na kinalungkot ng pamilya.
Hindi sinasadyang namalagi si Karina sa bodega kung saan naka imbak
ang mga dating gamit ng kanyang tatay, napansin niya na maraming kahon ng
sapatos na akala nya ay hindi nadeliver kaya kinuha nya ito at nakitang iba-
ibang klase at sukat ng sapatos ito. May nakalakip itong sulat at ang mga
sapatos na iyon ay gawa ng kanilang ama para kay Susie, simula noong
unang kaarawan nito hanggang sa maglabing dalawa ang kapatid kung kaya
may isang doseng pares ng sapatos. Ang mga desenyo nito ay katulad ng sa
mga panaginip ng kapatid. Napagtanto nyang hindi matutumbasan ang
pagmamahal ng kanilang ama para sa kanilang magkapatid. Kahit hindi
makakalakad si Susie ginawan ito ng sapatos ng kanilang ama. Dinala nya ito
ay pinakita sa kanyang nanay at kapatid.
E. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan
- Ito ay isang maikling kwento sapagkat ang kwento ay nagsimula
sa pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan,na sinundan ng
pagpapakita ng saglit na kasiglahan,makikitaan din ito ng suliranin,
ganoon din ng kalakasan at wakas. Ang mga ito ay elemento ng
maikling kwento.
b. Istilo ng Paglalahad
- Ang kwentong Sandosenang Sapatos ay gumamit ng istilong
paglalahad ay nasa anyong pasanaysay. Ang paraan ng may akda
para maipahiwatig ang emosyon at mga aral na nais niyang pabatid
ay pinahayag nya sa pamamagitan ng kwentong ito na tungkol sa
pagmamahal sa pamilya at sa sarili, pinahayag nya ito sa
pagsisimula ng kwento sa pagpapakilala ng mga tauhan na kung
saan sinasalaysay ng pangunahing tauhan ang mga kaganapan sa
kanilang buhay.
c. Mga Tayutay
 Pagmamalabis - “Parang may madyik ang iyong kamay!”
o Nagpapakita ng kaigtingan ay sobra sa normal na katangian.
Ang tatay nila Karina ay sadyang mahusay sa paggawa ng
sapatos, hindi sya gumagamit ng kahit anong salamangka.
 Pag-uuyam - “Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung
bata!”
o Sa pahayag ng lalaki sa parke kay Susie ay nangungutya,
hindi man direktang sinabi ngunit sa sinabi nyang maaring
pang-karnibal si Susie ay nangunutya sapagkat ang mga tao
sa karnibal ay katatawanan kung kaya ang pinapahiwatig
nung lalaki ay katatawanan si Susie dahil sa kanyang
kapansanan.
F. Sariling Reaksyon
1. Pananalig o Teoryang Pampanitikan
 Romantisismo – Sa kwento makikita ang teoryang
romantisismong tradisyunal sapagkat sa kwento pinapakita rito ang
pagmamahalan ng isang pamilya. Dinadakila ang halagang pantao,
lalo na sa isang senaryo sa kwento kung saan kahit walang
kakayahan lumakad si Susie hindi nila pinaramdam na pabigat ito
sa kanila lalo ang kanilang tatay, kahit gustong gusto niyang
magkaanak na magaling sa larangan ng pagsayaw hindi nya man
lang pinakita ang pagkadismaya bagkus kanya itong ilagaan at
minahal ng buong puso.
 Realismo – Sa parte ng kwento kung saan pinasyal sila Karina at
Susie ng kanilang ama may nangutya kay Susie dahil sa
kapansanan nito. Dito pumapasok ang teoryang realismo sapagkat
pinapakita rito na ang mundo ay hindi talaga perpekto, kahit hindi
mo gawan ng masama ang kapwa may masasabi at masasabi
silang tungkol sayo. Pero nanindigan ang ama ni Susie at hinarap
ang mamang nangutya sa kanyang kapatid. Malinaw naman kasi
na hindi tama pagsalitaan ng ganoon ang taong may kapansanan
bagkus sila ay dapat din makatanggap ng pantay at tamang
pagtrato sapagkat tao lang din naman sila tulad natin.

2. Mga Pansin at puna


a. Mga Tauhan (Bigyan ng Paglalarawan)
- Si Karina – Pangunahing tauhan sa kwento. Siya ay panganay na
anak. Siya rin ay mapagmahal na anak at kapatid.
- Susie – bunsong kapatid ni Karina. Siya ay may kapansanan,
pinanganak siya na walang mga paa.
- Tatay – Ama nila Karina at Susie. Siya ay isang mahusay na
sapatero. Siya rin ay mapagmahal na asawa at ama, masipag at
matiyaga.
- Nanay – Ina nila Karina at Susie. Katuwang ng kanilang Tatay sa
pagpapalaki sa kanila.
b. Galaw ng Pangyayari
- Ang daloy ng kwento ay mabagal. Ang pagkakalahad ng mga
pangyayare sa kwento ay detalyado. Nagsimula ito noong bata pa si
Karina hanggang nagkaroon siya ng kapatid na si Susie at nagtapos
sa pagpanaw ng kanilang tatay. Sa pagdaan ng panahon habang
nagkaka edad si Karina, marami syang natuklasan at natutunan
kung kaya’t ang kwento ay dumaloy ng mabagal.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
- Noong matapos kung basahin ang kwento may mga aral akong
natutunan at iyon yung pag-galang at respeto mo sa kapwa. Kahit
anong lebel mo sa buhay o antas na kinabibilangan mo ay
mahalaga pa rin ang pagrespeto. Ang pag-galang at pagrespeto ay
para sa lahat.
- Sa kwento, natutunan ko din na hindi marapat pairalin ang iinggit,
katulad na lamang ni Karina kahit noong malaman niyang babae
ang magiging kapatid niya at sinabi ng mga kaibigan na
magkakaroon na siya ng kaagaw sa mga sapatos na ginagawa ng
kanyang tatay ay hindi nya man lang pinairal ang inggit bagkus siya
pa ay natuwa. Makikita sa kaugalian niyang pinalaki siya ng tama ng
kanyang mga magulang.
b. Bisa sa Damdamin
- Labis akong naantig at humanga sa tatay nila Karina at Susie dahil
isa siyang halimbawa ng mabuti at mapagmahal na ama. Siya ay
nagsusumikap ng mabuti para matugunan ang pangangailangan ng
kanyang pamilya. Sa senaryo na kung saan ginawaan niya ng
sapatos ang anak niyang si Susie kahit hindi ito nakakalakad, dito
niya pinakita na ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak
ay higit pa sa sobra.
c. Bisa sa Kaasalan
- Sa aking nabasa natutunan ko na ang mundo ay hindi perpekto
kung kaya ang Diyos ay lumikha ng mga taong hindi perpekto pero
kahit ganon hindi dapat sila makaranas ng pangungutya mula sa
iba. Katulad na lamang noong lalaki sa parke na kinutya si Susie,
ang asal na iyon ay hindi nararapat lalo na siya ay nasa tama ng
edad. Sa kwento, pinakita rin na ang mabuting asal ay natutunan sa
loob ng kanilang tahanan, kagaya na lamang ni Karina, kahit sila ay
medyo nakakaangat sa buhay kumpara sa kaniyang mga kaklase
hindi iyon naging dahilan para siya ay yumabang. Pinakita rin niya
ang kabutihan sa pamamagitan ng pagdodonasyon ng mga dating
gamit nila na hindi na nila ginagamit. Ang mga asal na pinakita ay
mga asal na dapat tularan at isabuhay ng mga mambabasa.
d. Bisa sa Lipunan
- Naintindihan ko na ang lipunan na aking kinabibilangan ay hindi
perpekto. May mga taong kung umasta sa kapwa kala mo ay
perpekto. Sumagi sa aking isip na may mga tao talagang hindi alam
ang salitang respeto.
- Ang kwento ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at mga
mabuting asal. Naniniwala akong hindi lahat ng tao ay walang
kabutihan, nasa kanila na lamang iyon kung gugustuhin nilang
maging mabuti sa kanilang kapwa.

You might also like