You are on page 1of 1

Lalaban Kahit Nahihirapan!

ni Badiday29

Ako ay Pilipino! Pandak, pango at kayumanggi ang kulay ng balat ko!


Matatag at may pinaninindigan kahit ako ay hindi perpekto.
Lumaki sa Pilipinas na laging ulam ay tuyo at sardinas.
Isang kahig, isang tuka, kakambal koy hirap na dinaranas.

Mangarap, magtiwala, magsikap at manampalataya,


Mga salitang Filipino na nagpapatatag ng aking diwa.
Mga salitang aking pinanghuhugutan ng lakas upang tagumpay ang makamtan.
Kapangyarihan koy pagpupursigi upang kaginhawaan ay maranasan.

Kung madapa man sa pakikipagsapalaran, ipagpapatuloy ko pa rin ang laban.


Wikang Filipino, angking talino’t lakas ng loob ang nagsisilbi kong panlaban.
Haharapin ang bawat hamon kahit gaano kahirap ang sitwasyon.
Pagka’t ako’y Pilipino, lalaban kahit nahihirapan!

You might also like