You are on page 1of 17

PANITIKAN Prepared by: Chrishel C.

Corsino,
LPT
PANITIKAN
Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban
ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-
maliw nito.
Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan
ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-
maliw. Webster
Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
URI NG PANITIKAN
Pasalin- dila- ang tawag sa panitikan kung
ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao
Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng
panitikan magmula nang matutunan ng tao
ang sistema ng pagsulat
ANYO NG PANITIKAN
Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang
takbo ng pangungusap at sa patalatang
paraan.
Patula- nakasulat sa taludturan at
saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring
may sukat at tugmaan o malayang taludturan
na nangangahulugang walang sukat at tugma.
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
1. Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan
at nahahati sa mga kabanata.
Uri ng Nobela
a) Nobela ng Tauhan-
b) Nobela ng Pangyayari-
c) Nobela ng Romansa
d) Nobela ng Pagbabago
e) Nobela ng Kasaysayan
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
2. Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Uri ng Maikling Kwento


a) Pangkatauhan
b) Makabanghay
c) Pangkapaligiran
d) Pangkatutubong-kulay
e) Pangkaisipan
f) Sikolohikal
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
3. Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa
entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o
higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang iisahing
yugto.
Uri ng Dula
a) Komedya
b) Trahedya
c) Melodrama
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
4. Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng
mga bagay- bagay.
5. Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng
hayop, halaman at maging ng mga bagay na
walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari
ba’y tunay na tao.
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
6. Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad
ng pabula, may layunin din itong mag- iwan ng mga aral na
kapaki- pakinabang sa buhay.
7. Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o
magbigay- aral sa mga mambabasa.
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
8. Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o
opinyon ng isang may- akda hinggil sa isang suliranin o
paksa
Uri ng Sanaysay
1. PORMAL
2. IMPORMAL
MGA AKDANG TULUYAN/ PROSA
9. Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Uri ng Talambuhay
a) Pansarili-
b) Talambuhay na Paiba
10. Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya, kalakalan,
agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
11.Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati
ay nababatay sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat,
magbigay- impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon, o
paniniwala o lumibang.
MGA AKDANG PATULA
1. Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito
ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
a) Epiko
b) Awit at Kurido
c) 2. Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may
akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral at oda.
a. Awiting- Bayan-
b. Soneto
c. Elehiya
d. Dalit
e. Pastoral
f. Oda
MGA AKDANG PATULA
3. Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang
tanghalan.

4. Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na noo’y karaniwang


isinasagawa sa bakuran ng namatayan.
ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
1. Banal na Kasulatan o Bibliya
2. Koran mula sa Arabia
3. Illiad at Oddysey ni Homer
4. Mahabharata
5. Centerbury Tales ni Chaucer
6. Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe-
ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN

7. Divine Comedia ni Dante


8. El Cid Compeador
9. Isang Libo at Isang Gabi
10. Aklat ng mga Araw ni Confucius
11. Aklat ng mga Patay
12. Awit ni Rolando
KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL NG SARILING
PANITIKAN
a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang
minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon
at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na
ang pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon
KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL NG SARILING
PANITIKAN
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga
panitikan ng iba’t ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating
pagka- Pilipino,
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y
mapag- ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad,
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa
pinakamahalagang yamang panlipi

You might also like