You are on page 1of 1

CUPID AT PSYCHE

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang
mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay
sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging imortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama
nilang dalawa. Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche
sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche
ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus
ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag
pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang
kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay
napunta sa isang mortal. Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang
umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at
dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa
sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng
mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang
dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya
naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang
hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na
halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo. Nang nagawa na ng amang
hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit.
Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan
papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang
dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kanyang
mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.Naging masaya naman ang kanilang pagsasama
bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak.Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi
niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa. Inihatid ng
hanging Zepyr ang magkapatid sa kaniya ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang
binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon
ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit
ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong
nagalit kay Psyche at ito ay pinahirapan niya nang husto. Iba-iba ang mga pagsubok ang ipinagawa niya
kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos
at diyosa kasama si Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala
nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos.
Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng nga diyos upang maging imortal. Ang
pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang
pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

You might also like