You are on page 1of 1

Magandang Araw po, Gov. Eduardo B.

Gadiano thru Lucille Bico Provincial Youth Development Officer

Ako po si JONALINE CATAGUE QUINDAP, labing siyam na taong gulang at kasalukuyang nagaaral sa
Occidental Mindoro , State College ( Labangan Campus ) , Sa kursong Bachelor of Arts in History .
Ipinanganak noong Oktobre 10 , 2002 at kasalukuyang nakatira sa Gomez Village, Brgy. Pag Asa , San
Jose, Occidental Mindoro . Anak ni Gng. Lilibeth Catague Quindap ako po ay sa pangangalaga ng aking
tita at tito na sina Josephine Talaman at Ronnie Talaman. Isang fish vendor sa Poblacion , Calintaan ,
Occidental Mindoro ang aking ina at wala pong ibang katulong na sumusuporta sa aking pag aaral sa
kadahilanang po ang aking ama ay patay na. Ang aking ina ay isang single mother, kami po ay walong
magkakapatid at ako po ay pangalawa sa aming magkakapatid. Kaya po bilang isang studyante, anak at
ate isang karangalan po sakin ang makasama at mapabilang sa pagiging scholar ng Bayan. Napakalaking
tulong po ito sa aking pag aaral ang mapasama sa scholar ng Bayan. Dahil bukod po sa kaunting kita ng
aking ina wala napo akong ibang inaasahang pang tustus sa aking pag aaral.

Lubos po akong nagpapasalamat sa ating poong maykapal bagkus ginawa niya po kayong
instrumento kasama po ng buong team Ganado na mabigyan kami ng maayos na serbisyo isa po yung
pagbibigay ng scholarship sa mga kabataang hindi nawawalan ng pag asang makatapos ng pag aaral . Isa
po ako sa nagpapasalamat dahil isa po ako dito naway magtuloy tuloy po ang inyong maganda at
maayos na serbisyo. At nang sa ganun marami pa po kayong matulungan hindi lang po mga kabataan
pati narin po ang aming mga magulang. Napakalaking tulong po sa akin at sa aking pamilya ang pagiging
scholar ng Bayan lalo napo ngayong panahon ng pandemya , kaya maraming maraming salamat po Gov.
Eduardo B. Gadiano kasama po ang buong Team Ganado. Pagpalain nawa kayo ng ating Panginoon at ng
sa ganun marami papo kayong matulungan. Maraming Salamat po.

Lubos na nagpapasalamat,

JONALINE CATAGUE QUINDAP

You might also like