You are on page 1of 4

1.1.3.

1 Pag–usbong ng Liberal na
Kaisipan
 Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan o Age of Enlightenment, mahalagang
panahon kung saan nagkaroon ng pagbabagong pampolitika, panlipunan, pang-
ekonomiya, panrelihiyon at pang-edukasyon dahil sa liberal na mga ideya.

 Umunlad ang kaisipang liberal sa Europa noong ika-18 siglo at nakarating ito sa
mga Pilipino.

 Nagbunsod ito sa pagkamulat ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol.

 Tinuligsa ng mga pangkat na nakapag-aaral na Pilipino ang kawalan ng katarungan


sa Pilipinas.

1.1.3.2 Pagbubukas ng Pilipinas sa


Pandaigdigang Kalakalan
 Umunlad ang ekonomiya ng bansa.
 Maraming mangangalakal na Pilipino ang yumaman kaya’t
napag-aral nila ang kanilang mga anak sa Maynila at Europa.
 Yumabong ang pagnanasa ng mga Pilipino na lalo pang
makalaya ang bansa. Ang kaisipang ito ay tinatawag na
FILIBUSTERISMO (subersibong kaisipan) na naging dahilan sa
pagkagalit ng mga Espanyol.
 Pagbubukas ng mga daungan iba’t ibang lugar sa bansa.
 Nakapasok sa bansa ang mas maunlad na kaisipan.

1.1.3.4 Pag-usbong ng Panggitnang Uri


 Sila ang mga Pilipinong nakaaangat sa lipunan na nakapag-aral
sa Maynila at Europa.
 Sila ang nakapuna ng mga maling pamamalakad ng mga
Espanyol.
 Sila ang naghangad ng reporma o pagbabago sa mga
patakarang ipinatutupad ng mga Espanyol.
 1.1.3.3 Pagbabago ng Antas sa
Lipunan
Antas sa Lipunan 

  
 Peninsulares - ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
 Insulares - mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
 Mestizo/Mestiso - mga Pilipinong nalahian ng dugong Espanyol
o Tsino.
 Principalia / Ilustrado - ang mayayamang Pilipino. Ang mga
Ilustrado ay ang mayayamang Pilipino na nakapag-aral upang
maging propesyunal.
 Indio - ang itinuturing na pinakamababang antas o uri ng
katayuan sa lipunan. Sila ang mga katutubong Pilipino.

1.1.3.5 Pagpapatibay ng Dekretong


Edukasyon ng 1863
Sa pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863, ang mga
Pilipino ay nagsimulang magkaroon ng karapatan na makapag- aral
sa mga paaralang Espanyol.
Mga nilalaman ng Dekretong Edukasyon ng 1863:
 Pagtatatag ng paaralang primarya para sa mga lalaki at babae
sa bawat lalawigan
 Pagpapatayo ng paaralang normal para sa mga lalaki na
gustong maging guro
 Sapilitan at walang bayad ang pag-aaral sa primarya
 Paggamit ng wikang Espanyol sa pagtuturo
Mga bunga ng Dekretong Edukasyon ng 1863:
 Pagbubukas ng paaralang pambayan
 Pagtuturo sa mga kalalakihan ng heograpiya, pagsasaka,
aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana,kasaysayang Espanyol,
kagandahang asal at pag-awit
 Pagtuturo rin sa mga kababaihan ng pagbuburda,
paggagantsilyo, at pagluluto

1.1.3.6 Pagbubukas ng Suez Kanal

Suez Kanal
Ang Suez Kanal sa bansang Ehipto ay artipisyal na daluyan ng
tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. 
 

Mga Bunga ng Pagbubukas ng Suez Kanal


 Naging maikli ang paglalakbay mula sa Europa patungo sa Asya.
 Naging mas madali ang komunikasyon mula sa Maynila at
Espanya.
 Dumami ang mga dayuhan na nakapasok sa bansa na nagdala
ng iba’t ibang ideya na gumising at nagmulat sa isipan ng mga
Pilipino.
1.1.3.7 Mga Iba pang Ginawa ng mga
Espanyol na Gumising sa Diwang
Makabayan ng mga Pilipino
Marami pang mga pangyayaring hindi katanggap-tanggap sa ilalim
ng pamamahala ng mga Espanyol kaya't lalong sumidhi ang
pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya sa panakop ng mga
Espanyol.
 Pagpalaganap ng isang relihiyon sa bansa
 Pang- aabuso o labis na pagmamalupit sa mga Pilipino
 Pagbibigay ng isang pangalan sa mga lupain na dati ay nahahati
sa mga barangay at sultanato
 Pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)
 Paniniwala ni Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre sa liberalismo

You might also like