You are on page 1of 1

INFANTE, SARALYN M.

BSCE - 3D

HUDHOD NI ALIGUYON

Ang hudhud ni Aliguyon ay isang epiko kung saan ay tampok ang tradisyon ng
mga Ifugao. Bida sa kwentong ito si Aliguyon, siya ay masipag at sanay sa
pakikipaglaban. Ang kaniyang ama ay si Antalan na may kaaway mula sa ibang bayan
na nagngangalang Pangaiwan. Kasama rin dito ang nadatnan niya sa lugar kung saan
dapat siya makikipag-laban kay Pangaiwan, ang mag-amang sina Buyagan at
Pangayuan.

Umiikot ang kwentong ito sa kung paano matatapos ang hidwaan sa pagitan ng
dalawang magkaaway. Nagsanay si Aliguyon upang maghanda sa panahon ng
pakikipaglaban. Dumating ang itinakdang araw, nang makarating siya sa lugar na
napagkasunduan ay hindi niya nakita roon ang kaaway ng kaniyang ama na si
Pangaiwan. Nadatnan niya roon ang mag-ama na sina Buyagan at Pangayuan.
Napagkasunduan nilang anak sa anak na lamang ang dapat na maging laban upang
maging patas ito. Nagsimulang magtuos ang dalawa at pareho silang nagpakita ng
gilas sa pakikipaglaban. Lumipas ang segundo, minuto at oras ngunit walang
sumusuko ni isa. Sa huli ay napagkasunduan nila na tapusin na ang laban at irespeto
ang bawat isa, ito ang kahulugan ng katapangan para sa kanila. Naging magkaibigan
ang dalawa at namuhay sila nang mapayapa sa kani-kanilang bayan.

Ang mga kwento tulad nito ay malaki ang pagkakaugnay sa ating asignatura. Ang
mga epiko ay nararapat nating pag-aralan sapagkat ito ang naglalarawan ng tradisyon
ng ating bansa o ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay mahalaga upang mas higit nating
linangin ang ating mga tradisyon pampanitikan, makatutulong ang mga ito sa atin
upang malaman natin ang kahalagahan ng ating kultura at wika. Dagdag pa rito, sa
pamamagitan nito ay mamumulat ang mga kabataan o mga mag-aaral sa mga
kaganapan noon at higit na papahalagahan ang ating bayan o bansa sa makabagong
panahon.

You might also like