You are on page 1of 2

Name: Sean I.

Gonzales 11-Capella

EL PRESIDENTE
(Ang Kuwento ng buhay ni Presidente Emilio Aguinaldo)

Ang pelikulang El Presidente ay hango sa buhay ni Emilio Aguinaldo at


kung paano siya nagin president ng Pilipinas. Batay sa aking napanood, may iba’t
ibang uri ng wika at kulturang ginagamit sa panahong ito – ang panahon ng
rebolusyonaryo. Halimbawa ng kulturang pinapakita dito ay panghuhula,
pagbabayad ng buwis at ang pagkakaisa o pagkakabuklod-buklod ng bawat
mamamayan. Ang wikang Filipino at wikang Espanyol ang siyang ginamit na wika
para maipahayag ng mabuti ang adhikain at mithiin ng pelikula sa mga manonood.

Ipinapakita dito ang kultura ng panghuhula at kung gaano ka epektibo ang


ginagawang panghuhula kay Emilio Aguinaldo. Habang nangongolekta siya at ng
kaniyang kasama ng buwis, hinulaan siya ng isang matandang babae. Ayon sa
matanda, mahaba raw ang buhay ni Aguinaldo at siya ay mamumuno sa isang
pangkat at ito ay nagkatotoo, Naging leader siya ng kilusang KKK o Kataas-
taasang, kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng bayan at kalaunay
naging mayor siya ng Cavite El Viejo hanggang sa naging presidente siya ng
bansa. Ang pagkakaisa at pagbubuklod-buklod ng bawat kasapi ng Katipunan ang
siyang nagging tulay upang malabanan ng grupo ni Aguinaldo ang mga manankop
na mga kastila at Amerikano, At dahil dito, nagkaroon ng Kalayaan, kasarilan at
Independensiya ang ating bansa.

Bilang isang mamamayang Pilipino, maraming aral ang nakuha at natutunan ko sa


pelikulang ito. Ang pagiging matapang, at pagmamahal sa Inang Bayan at ang
tamang pagdedesisyon ay ilan lamang sa mga aral na aking natutunan sa
pelikulang ito. Dito Ipinakita ni Aguinaldo kung paano niya at ng kaniyang mga
kasapi ang ipaglaban ang ating bansa upang maging malaya ang bawat Pilipino sa
pananakop ng mga Kastila at Amerikano. Tinawag siyang bayani ng bansa dahil
binigyang-halaga niya ang kaniyang tungkulin na mahalin at ipaglaban ang ating
Inang Bayan.
At bilang isang Pilipino, dapat kong ipagmalaki, at mahalin ang naging ambag ng
Presidente Emilio Aguinaldo dahil dito nasasalamin ang tunay at wagas na pag-
uugali nating mga Pilipino. Magiging matapang ako sa lahat ng oras lalong-lalo na
sa mga taong gusto manakit hindi lamang sa aking sarili at sa aking pamilya, kundi
pati na rin sa kapwa ko Pilipino. Kagaya ni Presidente Emilio Aguinaldo lahat tayo
ay may karapatang ipagtanggol ang ating bansa. Taas-noo nating ipagmalaki at
ipagsigawan sa buong mundo na tayo ay isang Pilipino.

You might also like