Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat-
enikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa mga pinakamakulay sa kasuotan at hiyas na katawan.