You are on page 1of 3

3-Episode Tiktok About Expanded Solo Parents Welfare Act

Tiktok 1 Title: Paano masasabing “Ako’y isang solo parent?”

Script:

Magandang umaga mga ka-promdi. Matapos ang ilang taong pakikipaglaban para sa ating mga solo
parents, masaya po tayo at nagpapasalamat dahil ito’y ganap nang naging isang batas! Pero paano nga
ba masasabi na ikaw ay isang Solo Parent?

Anu-ano nga ba ang mga kwalipikasyon para masabing ikaw ay isang solo parent? Ayon sa Section 3 ng
R.A 8972, matatawag na solo parent ang isang magulang kung:

1. Ang babae ay nabuntis at nanganak sa resulta ng rape kahit walang pinal na hatol sa nagkasala,
kung ang nanay ang nagpapalaki ng bata.
2. Kung ang magulang ay naiwang mag-isa sa pagpapalaki ng kanyang mga anak dahil sa mga
sumusunod:
a. Pagkamatay ng asawa.
b. Nakulong ang asawa o nagsisilbi ng sentensya na hindi bababa sa loob ng isang taon.
c. Pisikal o Mental na pagkawala ng kakayahan ng asawa na sertipikado ng doctor.
d. May legal na separasyon sa asawa na hindi bababa ng isang taon at sakanya ipinagkatiwala
ang mga anak.
e. May legal na deklarasyon ng annulment ng kasal sa korte man o sa simbahan at
nasakanyang pangagalaga ang mga anak.
3. Walang asawa ang babae or lalaki at mas gustong pangalagaan ang kanilang mga anak sa halip
na ito’y ibigay sa pangangalaga ng ibang tao o institusyon.
4. Sinumang nagbibigay ng pangangalaga at suporta ng magulang sa isang bata o mga bata ay isang
konsiderasyon ng pagiging isang solo parent.
5. Miyembro ng pamilya na umaako sa responsibilidad na maging ulo ng pamilya bilang resulta ng
pagkamatay, pag-abandona, pagkawala o matagal na pagkawala ng mga magulang o solong
magulang.

At natalakay na nga natin ang mga kwalipikasyon para ang isang magulang ay matawag na
solo parent. Ano naman ba ang mga diskwalipikasyon ng isang nataguriang solo parent para sya
ay matanggalan ng titulo ng pagiging isang solo parent?:

1. Kung ang solo parent ay hindi na mag-isa sa responsibilidad ng pagpapalaki ng bata.


2. At kung ang solo parent ay ikinasal na.

Kung ikaw ay isa sa mga nabanggit na nagtataglay ng kwalipikasyon na matawag bilang isang solo
parent, paano at saan nga ba pwede mag pasa ng mga requirement para makakuha ng isang solo
parent id? Tatalakayin natin yan sa ating susunod na video.
Tiktok 2 Title: Solo Parent ID – Saan, Ano at Paano?

Script:

Kung ikaw ay isa sa mga nabanggit na kwalipikado sa pagiging isang solo parent, saan nga ba ipapasa,
anu-ano ang mga bagay na kailangang ipresenta at paano nga ba makakuha ng Solo Parent ID.

Para makakuha ng Solo Parent ID, kailangan ninyong pumunta sa Solo Parent Office ng inyong Lokal na
Pamahalaan at ipresenta ang mga sumusunod na requirements.

1. Barangay Certificate - Sertipikasyon sa inyong barangay na nagsasaad na ikaw ay residente ng


inyong barangay.
2. PSA Birth Certificate ng iyong mga anak.
3. Income Tax Return para sa mga employed at self-employed na solong magulang o anumang
dokumento na nagsasaad ng inyong pinansyal na estado o maaari ka ring makakuha ng
sertipikasyon mula sa iyong Barangay Treasurer o Municipal Treasurer na nagsasaad ng iyong
kita.
4. Sertipikasyon mula sa kapitan ng barangay na nagsasaad ng iyong katayuan bilang solo parent
5. Application Form mula sa DSWD.
6. Mga dokumento tulad ng deklarasyon ng Nullity of Marriage, Certificate of No Marriage
(CENOMAR), Death Certificate ng asawa, o Medical Certificate bilang patunay ng pagkawala ng
mental at pisikal na kakayahan ng asawa.

Matapos maiprepara ang mga kailanagang dokumento, paano naman ba ang pag apply para sa Solo
Parent ID?

1. Ipunin ang mga dokumento.


2. I-fill out ang Solo Parent ID application form.
3. Isumite ang mga dokumento sa DSWD Office o Solo Parent Office ng inyong local na
pamahalaan.
4. Magbayad ng mga fees para sa Solo Parent ID.
5. Antaying na pumunta sa inyong lugar ang naatasan para sainyong assessment at evaluation.
6. Kunin ang inyong Solo Parent ID sa DSWD Office o Solo Parent Office ng inyong local na
pamahalaan.

At kayo nga ay isa nang ganap na Solo Parent. Anu-ano nga ba ang mga benepisyo na maaari ninyong
matanggap dahil sa pagpapatupad ng Expanded Solo Parents Welfare Act? Panoorin saating susunod na
video.
Tiktok 3 Title: Mga benepisyo ng Expanded Solo Parents Welfare Act

Script:

Sa panahon ngayon, sobrang hirap maitaguyod ang isang pamilya. Ano pa kaya kung ikaw ay mag-isa at
walang katuwang sa pagpapalaki sakanila? Kaya malaki ang maitutulong ng Expanded Solo Parents
Welfare Act para sa ating mga solong magulang. Pero ano nga ba ang mga benepisyo na pwedeng
maibigay ng bagong batas na ito. Ating isa-isahin.

Ayon sa Republic Act No. 11861 or the Expanded Solo Parents Welfare Act, maaaring makatanggap ang
isang solo parent ng mga benepisyo katulad ng:

1. Scholarship para sa solo parent at sa isa nyang anak na hindi tataas and edad sa dalawamput-
dalawa (22) kung ito ay papasa sa kwalipikasyon.
2. Pitong (7) araw na paid leave.
3. Ang mga solo parent na kumikita ng minimum o mas mababa sa minimum na sahod ay bibigyan
ng buwanang cash subsidy na Php1,000.
4. Ang mga solo parent na kumikita ng mas mababa sa ₱250,000 ay may karapatan sa 10% na
diskwento at exemption sa value-added tax sa gatas ng sanggol, diaper, bakuna, at gamot
hanggang sa maging anim na taong gulang ang bata.
5. Ang mga Senior Citizen o Person with Disability na umaako sa responsibilidad bilang isang solo
parent ay maaari ring makakuha ng diskwento para sa kanilang personal na benepisyo.
6. Ang solo parent ay automatikong mae-enroll sa PhilHealth National Health Insurance Program
kung saan ang gobyerno ang buong magbabayad ng kanilang kontribusyon.

Ito ang kasalukuyang mga benepisyo na ibibigay sa ating mga solo parents para sila ay matulungan
sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya. Kami sa Ang Probinsyano Party-list, paunti-unti naming
pinag-aaralan kung paano mapapalawak at anu-ano pa ang mga benepisyo na pwede nating
maibigay saating mga solo parents. Maraming salamat po!

You might also like