You are on page 1of 1

Teoryang/Dulog (Sosyolohikal)

Tula

PANTAY

Dalawang bata ang nakita, parehas na tulala

Ang isa ay nakayapak at isa ay may pangyapak

May maayos ang damit at mayroon din’ punit punit

Ngunit parehas lang na may ngiti sa kanilang labi

Mayaman ka man o mahirap, may kaya man o wala

Magkakaiba man bawat tao, tayo’y makuntento

Ang bawat isa ay may maipagpapasalamat rin

Kahit na ang karamihan sa atin ay kapos parin

Sa mata ng Diyos na lumikha, tayo ay mahiwaga

Sa bawat isa ay may plano, oras ang magtotono

Tiwala at tiyaga, dadating din ating biyaya

Ikaw, ako, tayo, pantay-pantay lang tayo dito

Maiuugnay ko ang tula na ito sa ugali ng mga tao. Marahil ang iba sa atin ay nagtatanong kung bakit ang
iba ay mas may kaya sakanila, kung bakit ang iba ay mas may kakayahan? Pero maipapakita dito sa tula
na ito na kahit magkakaiba man tayo ng estado sa buhay, may kapos at may mga kaya tayo ay pantay
pantay sa mata ng Diyos. Dadating punto na kekwestyunin natin ang ating buhay pero dapat din natin
makita na may mga bagay parin tayo na dapat ipagpasalamat sa araw-araw.

You might also like