You are on page 1of 1

Simula pa noon, ang pangunahing interes ko ay ang kabuoang pag-aaral ng medisina at

kalusugan ng kaisipan kaya napagpasyahan kong kunin ang aking kurso sa kolehiyo. Dahil
pangarap kong maging doktor sa kalusugan ng kaisipan ay ninanais kong matuto kung paano
maparating sa pinakasimple at pinaka-epektibong paraan ang mga impormasyon na nais kong
ipaintindi sa aking mga magiging pasyente upang matulungan ko sila nang maigi. Higit na
importante ang malayuning komunikasyon sa aking pinapangarap na trabaho sapagkat
hinahangad kong makatulong sa masang Filipino. Naniniwala akong sa kursong ito ko
matututunan ang aking mga gustong matutunan sa epektibo at malayuning pagkokomunika.

You might also like