You are on page 1of 3

1. History vs.

Tsismis: Pananaw ng mga Mag-aaral ng CBAA-CLSU sa


Paglaganap ng Fake News sa Social Media.

Depenisyon ng mga Termino

Aparato – Kagamitan o kasangkapan na ginigamit sa isang partikular na trabaho, gawain o

layunin. Tumutukoy din ito sa mga gadyet na ginagamit upang kumunekta sa Internet ngayong

makabagong panahon ng teknolohiya.

CBAA-CLSU – Tumutukoy ito sa isa sa siyam na kolehiyo na mayroon ang Central Luzon State

University, binubuo ng dalawang departmento at nag-aalok ng mga kursong may kaugnayan sa

pangangasiwa ng negosyo at accountancy. Ginamit ang salitang ito bilang isang kolehiyo ng mga

mag-aaral sa isang unibersidad na magiging pangunahing pokus ng pananaliksik.

Clickbait – Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga huwad na links at iba pang medya upang

malinlang o maintriga ang madla na pindutin ang mga ito.

Disinformation – Isang uri ng maling impormasyon na sadyang mapanlinlang, e. g. may

masamang hangarin panloloko, sibat, at propaganda. Ito ay mga nagkalat na impormasyon sa

mga social networks na mapanlinlang at maaaring magresulta ng hindi magagandang sitwasyon.

Epidemya – Malawakang paglaganap ng isang bagay o sakit sa loob ng maikling panahon sa

isang lugar. Ginamit ang salitang epidemya sa pag-aaral na ito bilang paghahalintulad nito sa

isyu tungkol sa talamak na maling impormasyon sa social media na may masamang naidudulot

sa kaalaman at relasyon ng mga indibidwal.

Fake news – Tumutukoy sa mga inpormasyon o b alita na gawa-gawa lamang at walang kongkreto at

katiwa-tiwalang basehan ngunit ipinahahayag upang maging kapani-paniwala. Ito rin ay isa sa

pinakaseryosong isyu o problema na kinakaharap ng bawat-isa sa panahon ngayon.


History – Ang history o kasaysayan sa wikang Tagalog ay ang pag-aaral sa nakalipas na

panahon at mga bagay na tumutukoy sa makabuluhang pangyayaring naganap sa isang lugar

noong unang panahon. Ginamit ang salitang ito bilang kasalungat sa mga opinyon at tsismis na

kadalasang pinagmumulan ng mga mali at walang katotohanang impormasyon. Ito ay nakabatay

sa mga ebidensya o datos, katunayan at masusing pag-aaral.

Media Literacy – O “kaalaman/karunungan sa medya” ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao

na tukuyin ang totoo sa hindi, kakayahan sa kritikal na pag-iisip at pagiging responsableng tao na

gumagamit ng medya. Dagdag pa rito, Ito ay tumutukoy sa kakayahan na alamin ang ibang uri

ng mga medya at maintindi ng mga mensahe na ipinahayag ng bawat uri.

Propaganda – Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may

layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon.

Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o

kaya ng doktrina. Halimbawa nito ang mga babasahin nagtataguyod o nagtatangkilik ng isang

paniniwala.

Social Media – Tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na

komunidad at mga network. Facebook, Twitter, Instagram, Messenger, Snapchat, ang ilan sa

mga halimbawa nito. Tumutukoy ito sa isa sa pinakakilala na midyum na pinagkukunan natin ng

mga balita at impormasyon. Gayunpaman, ito rin ang midyum kung saan pinakalaganap ang

iba’t ibang uri ng fake news.


Troll – Ang isang troll ay isang miyembro ng isang komunidad sa Internet na nag-post ng mga

nakakasakit, mapaghiwalay at kontrobersyal na mga puna. Tumutukoy sa kolektibong mga tao

na sadyang nagpapalaganap ng maling mga impormasyon.

Tsismis – Isang bagay, karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol

sa buhay ng may-buhay, na negatibo (isang negatibidad), pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na

itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao. Tumutukoy rin ito sa usapin o kwento na

pinagpapasahan ng mga tao kahit na walang maayos at tiyak na batayan. Kadalasan ito ay may

dagdag na pansariling opinyon at galing sa masamang intensyon kaya ay hindi nararapat na

agad-agad paniwalaan.

You might also like