You are on page 1of 2

Flag Raising Ceremony

1 Ngayon ay araw ng Lunes, ika-apat na araw sa buwan ng Oktubre taong dalawang libo
dalawampu’t isa.

Sa ating pinagpipitagang punongguro, Mr. Rommel C. Cruz, mga kapwa guro, mga
mahal naming magulang at higit sa lahat sa aming masisipag na mag-aaral, isang mapagpalang
umaga ang pagbati po sa inyong lahat.

2 Halina at muli tayong magpugay, iwagayway at dakilain ang kagitingan na umiiiral sa


ating mga Pilipino. Samahan ninyo kami sa ating pagsasagawa ng birtwal na seremonyas, sa
simula tayo ay tumayo ng tuwid para sa pagpupugay sa pagtataas ng ating bandila

3 Simulan natin ang araw na ito ng isang panalangin sa ating Poong Maykapal
(Panalangin)

PRAYER AT NATIONAL ANTHEM

4 Ating ipakita ang ating pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagbigkas ng Panatang


Makabayan at Panunumpa ng katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

PANATANG MAKABAYAN AT PANUNUMPA

5 Upang ipakita ang ating pakikiisa sa departamento ng edukasyon, ating bigkasin ang Deped
Vision, Mission and Core Values. At Para sa aking mga kasamang guro atin ding bigkasin ang
panunumpa ng kawani ng gobyerno.

6 Sabay-sabay tayong makiisa sa pag-awit ng Awit ng Rehiyon Tatlo, Malolos March at ang
himno ngating sintang paaralan.
7 Tunay ngang isang napakagandang araw ang muli nating nasilayan at ito ay naghahandog sa
bawat isa sa atin ng panibagong pag-asa na ang lahat ng ating nararanasan ay malalagpasan natin
sa tulong ng Panginoon.

Hayaan ninyo akong magbahagi sa inyo ng isang kawikaan,

(Gintong Karunungan)

8 Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating birtwal na programa sa araw na ito. Nawa
ay mayroon kayong napulot na aral na siya ninyong magagamit sa inyong pamumuhay. At tulad
nga ng sigaw ng ating paaralan, lagi nating tandaan na tayo ay malakas kapag tayo ay sama-
sama, stronger together, one Babatnin. Ako po ang inyong tagapagdaloy ng programa, Gng April
P. Liwanag. Maraming Salamat po at pagpapalain nawa tayong lahat ng ating Panginoong Diyos.

You might also like