You are on page 1of 2

Sa kabila na masasarap na pagkain na nakakain natin, may mga taong hirap humanap ng kanilang

makakain. Ang mga tira nating pagkain na tinatapon lang sa basura, nagsisilbing pagkain nila sa araw-
araw. Saksihan natin ang buhay ni Ate Helen na may limang anak at walong taon ng nabubuhay sa
pagpag o pagkaing napupulot sa basura.

“Kahit ganito lang ang buhay namin basta wala kaming inaabalang tao. Araw-araw hahanap at hahanap
parin kami ng makakain sa basura.”

Naghahanap ng pagkain si Helen sa basura tuwing alas onse ng gabi hanggang alas tres ng madaling
araw — mula sa Bagong Silangan hanggang Timog Avenue ang kanilang nilalakbay sa paghahanap ng
pagpag. Bukod sa paghahanap ng pagpag sa basura nangongolekta rin sila ng plastik, bote at lata para
ibenta sa junk shop at pandagdag sa allowance ng kanyang limang anak para sa eskwelahan:

“Isda, tinapay, taba ng baboy at buto ng manok ang madalas namin nakukuha sa basura eh.”

May nakuha si Ate Helen na taba ng baboy, isda at tinapay mula sa tambak ng basura na kinalkal niya.
Inadobo niya para maging ulam ng kanyang pamilya ang taba ng baboy. Ang tinapay naman ang kaunti
nilang meryenda at ang isda naman ang pandagdag sa kanilang ulam.

“Kasi kaya tinawag na Pagpag ito, dahil pinapagpag namin sa basurahan bago namin kunin doon.”

Ang mga bagay-bagay na hindi natin kailangan, sa basurahan napupunta. Pero sa mga katulad nila
Helen, sa basurahan nila kinukuha ang kanilang nutrisyon. Nakikipag-unahan sila sa napakaraming
langaw — sa paghahanap sa basurahan ng mga itinapong pagkain ng mga taong nakaaangat ang
pamumuhay.

Kahit ganito ang sitwasyon, masaya na rin si Helen sa ginagawa niyang araw-araw na pagkalkal ng basura
upang makakita ng mga tira-tirang pagkain:

“Tuwing naghahanap kami ng pagpag para sa pagkain ng pamilya ko sinasabayan narin namin maghanap
ng mga plastik, bote at mga lata at kaning baboy kasi yung may-ari ng pinagsasakyan namin may mga
baboy sya at binabayaran nya rin kami para sa mga pagkain ng baboy na nahahanap namin.”

Isa sa larawan na ito kung saan sila ay kumukuha ng pagkain nila Ate helen.

Sina Helen, may sinasakyang maliit na truck at ito ang ginagamit nila gabi-gabi para ilagay ang mga
nakuha nilang pagpag, plastik, bote, lata at kanin-baboy. Si Aling Bobot ang may-ari ng sasakyan at may
lima syang baboy:
“Si Kuya Bobot isa sa mabait na tao na nakilala ko yan minsan nga sya pa nagbibigay saamin ng pagkain
at pera eh kasi alam nya din talaga na wala kaming makukuhanan kaya malaki ang pasasalamat namin sa
kanya.”

Ang ikatlong anak ni Ate helen na sumasama sakanya.

Kasama din ni Helen ang kanyang asawa at isang anak na babae sa pangangalkal ng basura at tulong-
tulong sila maghanap ng pagkain sa basura:

“Sinasabi ko nga sa anak ko ‘wag na syang sumama kasi napupuyat siya tapos kinabukasan may pasok pa
sya sa eskwelahan pero mapilit sya gusto raw niya kaming tulungan sa pangangalkal kaya hinahayaan ko
na sumama.”

Ang Pamilya ni Ate helen na nabuhay ng walong taon sa “PAGPAG”

Walong taon na sila Helen at ang kanyang pamilya na nabubuhay sa pagpag at masaya silang pamilya
dahil kahit sa basura lang sila nakakapulot ng pagkain malakas at malusog ang kanilang mga anak:

“Sana huwag nila kaming pandirian kasi kahit ganito lang ang buhay namin masaya na kami kesa naman
magnakaw ka diba? kahit papano marangal ang ginagawa namin at wala kaming ginagawang masama.
Ang importante naman malusog at may makakain ang pamilya ko araw-araw biruin mo nabuhay kami ng
walong taon sa pagpag.”

You might also like