You are on page 1of 5

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE ATLAURA

Ayon kay Epifanio de los Santos(isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng“Florante at Laura”
noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag
naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz,
sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

Unang Paglimbag

Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,subalit
natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat
kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbaglamang ang mga kopya ng akda ni
Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel dearroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa
palay na ipinagbibili tuwing may misa atmga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging
ang Aklatang Newberry ngChicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag
noong 1870 at1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito
saBiblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang
gawa noong 1875.

 Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay

Paglalarawan

Pangunahing tagpuan ng  Florante at Laura

ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig
naman ang muslim na si Aladdin

.Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan atkasawian ni
Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni MarianoKapule (kaagaw ni Selya) at
kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o  MAR -ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano
Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat niBaltasar ang Florante habang nasa piitan.

ANG TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788 — Pebrero 20,1862), mas kilala bilang FranciscoBalagtas , ay


tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at  Laura ang kanyang
pinakakilalang obra maestra.

Unang mga taon

Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.Tinatawag rin
siyang Kikong at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruzat Juan Baltazar at ang mga
kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa,
kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon.Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapagpatuloy siya ng kolehiyo saColegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya
sa Colegio de San Juande Letranat naging guro niya si Mariano Pilapil.

Buhay bilang manunulat

 Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kayJose dela Cruz(Huseng Sisiw) nakinikilalang pinakabantog
na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbinghamon kay Kikong para higit na pagbutihin
ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ayhigit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan.Taong
1835 nang manirahan si Kikong sa Pandakan, Maynila. Dito niya nakilala si MariaAsuncion Rivera. Ang
marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya angtinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R.
ni Balagtas sa kanyang tulang

 Florante at Laura

. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Selya, isang taong ubodng yaman at
malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia,ipinakulong siya ni Nanong Capule
para hindi na siya muling makita si Celia. Habang nasakulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya
kahit walang pag-ibig nadarama siSelya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang
Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa
Udyong,Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

Huling mga araw

 Nabilanggong muli si Kikong sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok
niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ngmga komedya, awit at korido nang
siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyangasawa, Juana Tiambeng at ang 4 niyang anak noong
Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74

Ang kanyang mga sinulat

1.Ang Orosman at Zafira


2.Mahomet at Constanza
3.Almanzor y Rosalina
4.Clara Belmori
5.Abdol y Miserena
6.Auredato y Astrone
7.Bayaseto at Dorsalica
8.Rodolfo at Rosamunda
9.Florante at Laura
10.Nudo Gordiano
11.La India Elegante y El Negrito Amante

Kaibahan ng Awit at Kurido


Korido- ay binubuo ng 8 pantig sa bawat taludtodAwit-ay binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod

Mga tauhan ng florante at laura


•Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
•Laura- anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
•Aladdin/ Aladin- anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas attumulong kay Florante
•Flerida- kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
•Haring Linseo- hari ng Albanya, ama ni Laura
•Sultan Ali-Adab- sultan ng Persya, ama ni Aladin
•Prinsesa Floresca- ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
•Duke Briseo- ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
•Adolfo- kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
•Konde Sileno- ama ni Adolfo
•Menalipo- pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamangmula sa isang
buwitre
•Menandro- matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kayFlorante mula kay
Adolfo.
•Antenor - guro ni Florante sa Atenas
•Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
•Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona
•Heneral Miramolin- heneral ng Turkiya
•Heneral Abu Bakr - Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

KALIGIRAN NG FLORANTE AT LAURA

FLORANTE AT LAURA

·         Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamahala ng Kastila


·         Tauhan at lugar- kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari ay himig Pilipino
·         isinulat ni Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng mga
Kastila at pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.
·         Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) - yari sa palay
·         Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa

Plorar – Pinaghanguan ng pangalan ni Florante.


AWIT – 12 pantig
KORIDO – dulang pangromansa na may 8 pantig
Nagtataglay ng mga diwang masasalamin umano sa lipunan
TULANG PASALAYSAY – tig 4 na taludtod, lalabindalawahin Binubuo ng 399 saknong

APAT NA HIMAGSIK
a.       MALING PANANAMPALATAYA
b.       MASAMANG PAMAHALAAN
c.        MALING KAUGALIAN
d.       MALING LAKAD NG PANITIKAN

HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN


-          Mailigaw ang mambabasa at maligtas sa pang-uusig
      Reynong Albanya, mapanglaw na gubat
      ngalan ng tauhan – Kristiyanong Kastila at Arabe
-          Kunwari’y pang-aliw ngunit patuligsa at suwail
      kinawiwilihan ng tao – awit at korido , pinapayagan ng Censura- labanan ng
      Kristiyano at Moro, binyagan at di  binyagan

HIMAGSIK LABAN SA MALING PANANAMPALATAYA


Pamahalaan at Simbahan – iisa sa turing at sa kapangyarihan, naghihidwaan, karaniwan nakapangyayari
at nagwawagi ang simbahan
Censura – aklat, pahayagan, babasahin tatak ng gobierno civil o gobierno  eclesiastico
Moro – kasingkahulugan ng taksil o sukab; kasuklam-suklam
HIMAGSIK – Kristiyanong tauhan laban sa Kristiyanong tauhan; Morong tauhan – tagapagligtas ng
Kristiyanong tauhan
Iglesya Katolika Apostolika Romana – tanging dapat sampalatayanang relihiyon
Paganismo, idolatria – Bathala pinalitan ng Diyos na Maykapal
HIMAGSIK – pamagat, pangyayari ay hinango sa Mitolohiya ng Griyego na nagtataglay ng diwa, kulay at
alamat ng paganismo at idolatria
Paunang salita (‘dedicatoria’)- karaniwang inaalay sa santo o Mahal na Birhen
HIMAGSIK – inialay kay Celia – naniniwalang tunay na pinagkunan ng inspirasyon

HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN


Maling ugali – naniniwalang kasiraang puri ng lahi
HIMAGSIK – tinuligsa ngunit tinapatan ng panlunas na aral at halimbawa

HIMAGSIK LABAN SA MALING LAKAD NG PANITIKAN


Balagtas – agwat sa pagtula at pananagalog sa kalahatan ng manunula ay napakalayo
HIMAGSIK – ginawang tunay na obra maestra ang akda, tulang nagtataglay ng wastong sukat, tugma,
talinhaga at kariktan, malalim at angkop na Tagalog

MGA TAGPUAN

Albanya (Albania)

®     Sinakop nina:
·         Aladin
·         Miramolin
·         Konde Adolfo
®     Dito tinulungan ni Aladin si Florante (sa gubat sa labas ng Epiro, katabi ng Ilog Kosito)
®     Tinalo ni Menandro ang hukbo ni Adolfo
®     Ipinanganak at nagkakilala sina Florante at Laura
®     Dito rin ikinasal sina Florante, Laura, Aladin at Flerida
®     Iniligtas si Florante ni Menalipo mula sa isang buwitre
®     Pinatay ni Adolfo sina Linceo at Briceo

Atenas
®     Pinagtuturuan ng mga pantas
®     Dito ipinadala si Florante upang mag-aral noong siya ay 11 na taong gulang
®     Dito nag-aral sina Florante, Menandro at Adolfo
®     Nagtuturo ditto si Antenor
®     Dito nabalitaan ni Florante ang pagkamatay ni Prinsesa Floresca
·         Sa unang liham, ipinaalam ni Duke Briceo na pumanaw na si Floresca
·         Sa ikalawang liham, ipinababalik na niya si Florante sa Albanya
®     Natapos ni Florante ang pilosopiya, astronomiya at matematika
®     Dito naganap ang dulaan ng Edipo kung saan tinangkang patayin ni Adolfo si Florante ngunit
nailigtas si Florante ni Menandro
·      Sa dulaan ng Edipo, si FLorante ay gumanap na Etyokles at si Adolfo naman ay si Polinese; si
Menandro ay si Reyna Yokasta

Krotona
®     Ginanap ang duelo nina Florante at Osmalik (tumagal ng 5 oras)
®     Pinagmulan ng mga magulang ni Prinsesa Floresca
®     Sinakop ng mga Moro
®     Nagkita sina Florante at ang kanyang lolo
®     Nanatili si Florante dito ng 5 buwan bago siya bumalik sa Albanya

Persya

®     Bayan ng mga Moro


®     Pinamunuan ni Sultan Ali-Adab
®     Dito pinaalpas ni Sultan Ali-Adab si Aladin
®     Dito nagkakilala sina Aladin at Flerida
®     Dito namuno sina Aladin at Flerida sa dulo ng kwento

You might also like