You are on page 1of 2

Kay Selya Talasalitaan:

1. pagsaulan – mahimasmasan
Halimbawa: Painumin mo ng tubig si Jose ng siya ay pagsaulan.
2. mahahagilap – mahahanap
Halimbawa: Saan ko kaya mahahagilap ang taong iyon?
3. namugad - namahay
Halimbawa: Ang mga ibong iyon ay namugad sa puno ng Lauan.
4. suyuan – lambingan
Halimbawa: Mahirap para kay Florante na makalimutan ang kanilang suyuan ni Laura.
5. ginugol – inubos
Halimbawa: Mahabang panahon ang ginugol ko sa pag - aaral ng pagka - guro.
6. hilahil - dusa, dalamhati o matinding lungkot
Halimbawa: Labis ang kanyang hilahil sa pagkamatay ng minamahal.
7. namamanglaw – nalulungkot
Halimbawa: Namamanglaw akong makita na unti - unti ka ng nilalamon ng pagkaganid.
8. pangungulila – kalungkutan
Halimbawa: Labis ang pangungulila ko sa aking anak.
9. pinsel - brotsa o brush na gamit sa pagpipinta
Halimbawa: Gamit ang pinsel, iginuhit niya ang larawan ng kanyang sinta.
10. panimdim – pangamba
Halimbawa: Ang lahat ng aking panimdim ay pinawi ng isang tawag sa telopono.
11. himutok – hinanakit
Halimbawa: Labis ang mga himutok ng mga manggagawa ng malamang hindi naaprubahan
ang taas pasahod sa kanila.

Florante at Laura Saknong 1-25 (Paliwanag sa Bawat Saknong)

1 - Ang gubat ay madilim. Ang sinag ng araw ay hindi makapasok .


2 - Ang mga puno ay malalaki. Ang tunog ng mga ibon ay malungkot.
3 - Ang mga baging (vines) at balat ng mga prutas ay makati. Maraming tinik.
4 - Ang mga bulaklak ay Nakalulungkot tingnan. Maging ang amoy, nakabibigat ng kalooban.
5 - Nakatatakot ang mga punong sipres (cypress).
6 - Ang mga hayop sa gubat ay umaatake sa mga tao.
7 - Makikita ang daan patungong impiyerno sa dulo ng gubat, .
8 - May punong higera (banyan tree) sa gitna ng gubat. Nakagapos dito si Florante.
9 - Kahit hirap na hirap, Si Florante ay mukha siyang diyos at mala-adonis ang kakisigan niya.
10 - Parang ginto ang kanyang buhok at makinis ang kanyang kutis.
11 - Walang mga nimfa na maaring maaawa kay Florante.
12 - Si Florante ay lumuha. Tumingala. Nagsimulang magsalita.
13 - Si Florante ay nagtatanong sa Langit kung nasaan ang ganti nito para sa kasaamaang
ginawa laban sa bayan ng Albanya.
14 - Ang kasamaan ay kalat na kalat na sa kanilang kaharian.
15 - Ang mga mabubuti ay kinakawawa at binabastos.
16 - Habang ang mga masasama ay umaangat.
17 - Ang kataksilan at kasamaan ay naghahari.
18 - Pinapatay ang mga magsasalita laban sa kasamaan.
19 - Ang mga ambisyosong taksil ang dahilan ng kasawiang palad ni Florante.
20 - Si Konde Adolfo ay ginamit ang korona ni Haring Linceo (ama ni Laura) at ang kayamanan ng
ama ni Florante, upang kawawain ang buong Albanya.
21 - Muling tinatanong ni Florante ang Langit kung bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.
22 - Ang Langit ay inuudyok ni Florante upang lipulin ang kasamaan sa Albanya.
23 - Si Florante ay tinatanong ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling.
24 - Ang langit ay hindi maunawaan ni Florante. Kahit raw pumayag ang Langit na mangyari ito ay
hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo.
25 - Ngayong hindi siya pinakikinggan ng Langit, Sino ang lalapitan na ngayon ni Florante?

You might also like