You are on page 1of 3

2.

Title: Sandaang Damit

Author: Fanny A. Garcia

Summary/Buod:

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik
sa klase at madalas nanakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso ngkanyang mga
kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang
ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang kanyang dinaranas.
Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na
ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang
ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa
kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto nasiyang
sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto na siyang
lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang
kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at
dahil dito ay naniwala na sila sa kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng mga ito. Naging
palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang
masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang lumipas ang isang lingo
ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay. Nang
nakarating sila ay nadatnan nila ang isang payat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi
lamang, luma at salat sa  marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na
nakahiga at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel nanakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga
larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay
hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.
Characters:

*Batang Babae: isang mahirap na bata, inaapi at sinungaling

*Ina ng Batang Babae: mapagmahal na ina, positibo para sa anak

*Mga kaklase ng batang Babae: mga nang-aapi sa bata

Conflict:

Tao laban sa lipunan

"Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang kalagyan kung ihahambing
sa mga kaklase. Ipinapakita at ipinapabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba
ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang
kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibhasa ay kupas na at punong-puno ng sulsi"

Plot:

Panimula

●Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae. Inilarawan niya ito bilang isang
batang walang imik, madalas na nag-iisaat mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararansan nito.

Saglit na Kasiglahan

●Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang pamilya. Pinili niyang sarilinin ang
kanyang pagdaramdam at hindi na si ya nagsusumbong sa kanyang ina.

Kasukdulan

●Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siy

ang sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaan ay inisa-isa niyang ilarawan ang
kanyang mga damit na ito.

Kakalasan
●Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang mga kaklase dahil sa
paniniwala nilang siya'y may sandaang damit. Dito ay binibigyan na siya ng kanilang baon at nawala na
ang

Wakas

●Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae.

Nag-alala ang kanyang guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kan yang bahay. Nakita nila ang bata
na may sakit at ang mga papel na nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na
pawang mga drowing lamang .

Analysis:

You might also like