You are on page 1of 2

Akademikong Pagsusulat

Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring
maging batayan ng maramipang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Sa mga propesyonal, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho.

Ang akademikong pagsulat ay isag makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura,


karanasan, reaksyon, at opinyon batay sa manunulat. Ito ay nangangailangan ng mataas na
antas ng kasanayan sa pagsusulat.

Ito ay tinatawag na intelekwal na pagsusulat at pinakamataas na antas ng itelektwal na


pagsusulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman. Layunin nitong
maipakita ang resulta ng pananaliksik na ginawa.

1. Ginagawa ito ng mga iskolar at para sa iskolar.


2. Nakalaan sa mga paksa o tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
3. Dapat naglalahad ng importanteng argumento.

Layunin ng akademikong pagsula tang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na


manlibang lamang.

Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang
proyekto, repiektibong sanaysay,sintesis,lakbay-sanaysay,synopsis, at iba pa.

Paano ito naiiba?

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas


mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pag-sulat.

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Sa


pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target
na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating
ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

(1) Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na
pananalita.
(2) Obhetibo - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalamanng mga mag-
aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong
gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa.
(3) Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral
o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-
katwiranang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.

a. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.


b. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin
ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
c. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang
pag-aaral.

You might also like