TAX (VAT) SA ILALIM NG PROGRAMANG F.Y. 2021 LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND (LGSF)
PETSA: Setyembre 30, 2021
Nakalakip ang liham mula kay USec. Marlo L. Iringan, Pangalawang
Kalihim para sa Pamahalaang Lokal na nalagdaan noong Setyembre 22, 2021 tungkol sa nasabing paksa.
Kaugnay nito, nais naming ipabatid ang mungkahi ng ating Ikalawang
Kalihim para sa Pamahalaang Lokal na nagsasaad:
“Hangga’t hindi nababawi, napapalitan o nakakansela
ito ng mas mataas na batas, at/o pinawalang-bisa ng Korte Suprema, ang papapasiya at ang pagpapalabas ng BIR sa nabanggit na paksa ang siyang masusunod. Dagdag pa rito na unang lumabas ang kautusan No. 197 series 2016 ng DPWH na sinundan ng pagpapalabas ng pamantayan na naipalabas ng BIR. Kaugnay dito, iminumungkahi ng antas na ito na sundin ang pinakabagong pamantayan na naipalabas ng BIR. Iminumungkahi rin ng antas na ito na makipag-ugnayan ang mga Lokal na Pamahalaan sa pinakamalapit na
“Matino, Mahusay at Maaasahan”
Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Telephone Nos.: 045-455-3209 Telefax: 045-455-2405, 455-2472, 455-3208 tanggapan ng Commission on Audit (COA) upang magkaroon ng pantay na pag-intindi sa anumang pamantayang ipinapalabas ng mga ahensya ng Pambansang Pamahalaan na siya ring ginagamit ng ahensya sa pagsisiyasat ng mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan.”
Para sa inyong kaalaman at malawakang pagpapalaganap.
JAY E. TIMBREZA, CESO V
OIC-Punong Tagapagpatupad
“Matino, Mahusay at Maaasahan”
Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Telephone Nos.: 045-455-3209 Telefax: 045-455-2405, 455-2472, 455-3208