You are on page 1of 1

POWER TO SHINE

Dumating na ba kayo sa punto ng buhay ninyo na napatanong kayo kung ano ba ang
purpose natin sa mundo? Ano ‘yung mga bagay na p’wede nating gawin or ibigay sa
ating kapwa bukod sa mga materyal na bagay. Kung ang sagot Ninyo ay oo, narito ang
sagot ng ating Panginoon sa ating mga katanungan. At ito ang ating pag aaralan
ngayong gabi.
Sabi sa Matthew 5:13-16, Tayo raw ang asin ng sanlibutan. Ngunit kapag ang asin ay
nawalan ng alat, paano pa ito muling aalat? Wala itong kabuluhan kundi itapon na
lamang at yurakan ng mga tao. Tayo rin raw ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod
na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. Hindi rin sinisindihan ng
sinuman ang ilawan upang ilagay sa ilalim ng takalan. Ngunit ito ay inilalagay sa
lalagyan ng ilawan at nagliliwanag sa lahat ng nasa bahay. Sa ganitong paraan
pagliwanagin ninyo ang inyong ilawan sa harap ng mga tao upang makita nila ang
inyong mabubuting gawa. Sa gayon ay luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa
langit.
Napakalalim ng ilustrayon na ginamit ng ating Panginoon upang sabihin sa atin kung
ano ang ating purpose sa mundo.
Ano ang sinasabi ng bibliya? ASIN. Maituturing natin ang asin na isa sa pinakamalakas
na elemento. Nagbibigay ito ng alat sa kahit anong pagkain na ating inaasnan. Sa ating
buhay, iba’t-ibang tao ang ating nakakasalamuha. Mga bagong mukha o minsan naman
ay kakilala na natin. Ngunit ano ang sinabi ng Panginoon sa Mateo 5:13-16, tayo ay
asin ng sanblibutan. Sapagkat inaasahan ni Jesus na ang mga taong nagmamahal sa
kanya ay dapat maging mabuting modelo sa lahat ng tao upang maparangalan ang
Diyos. Inaasahan ni Jesus na ang mga nagmamahal sa Kanya ay makakaimpluwensiya
sa mga tao sa mundo na mamuhay sa kaparaanan na nais ng Diyos. Kapag
naipamuhay ito ng mga mananampalataya, sila ay katulad ng asin na may kabuluhan
sa harap ng Diyos. Dahil nagagawa nating baguhin ang isang tao mula sa kaniyang
lumang pamumuhay gaya ng isang pagkain na matabang at kapag inasnan natin ay
magbabago ang kaniyang lasa. Tayong mga Kristyano, kapag inihalo tayo sa mga tao,
dapat ay magiging magandang impluwesiya tayo sa iba upang maging makabuluhan
sila para sa Diyos.
Sinabi rin doon na “Wala itong kabuluhan kundi itapon na lamang at yurakan ng mga
tao”

You might also like