You are on page 1of 4

Batas Laban sa Trafficking RA 9208

Q: Ano ang krimen na “trafficking in persons”?

A: Ito ay ang panghihikayat, pagbabyahe, paglilipat, pamamahala, pagtatago o pagtanggap ng


mga tao, may pahintulot man o walang biktima, sa loob man, patungo o palabas ng bansa, sa
pamamagitan ng pagbabanta o puwersa, o anumang uring pamimilit,  panlilinlang, pang-aabuso
ng kapangyarihan o katayuan, pananamantala sa kahinaan ng iba, o ang pagbibigay o pagtanggap
ng kabayaran o benepisyo upang makamit ang pahintulot ng isang taon ay may awtoridad o
superbisyo sa iba, na may layon ng pananamantala at pang-aabuso, kabilang ang prostitusyon,
sapilitang paggawa, at pagbebentang parte ng bahagi ng katawanng tao.  

Ang pangangalap, pagbabyahe, pamamahala sa mga bata o pagtanggap sa kanila mula sa iba na
may layon ng pananamantala ay tinuturing din na “trafficking in persons” kahit wala ang mga
kaparaana ng naka saad sa itaas.

Q: Anu-ano ang mga aktong itinuturing na paglabag sa ilalim ng batas?

1.  Pangangalap, pagbabyahe, pagtataglay, pagbibigay o pagtanggap ng tao sa anumang paraan,


na may pangakong trabaho, lokal man o sa ibang bansa, para sa nakatagong layunin ng
prostitusyon, pornograpiya, sapilita ng trabaho o pang-aalipin.

2.  Ang pagpapakilala o pagpapares para sak ita o anumang uri ng materyal o ekonomiko ng
benepisyo, sinuman, kabilanga ng babaeng Pilipina, sa isang banyaga, para sakasal na may
layong makamtan, mabili, maipagbili o maipagpalitan ng biktima at kalauna’y isang kotsya sa
prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

3.  Ang pag-aalok ng kasal, peke man o hindi, upang makamtan, mabili, maipagbili o
maipagpalitang biktima at kalauna’y isang kotsyasa prostitusyon, pornograpiya, sekswal na
pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

4.  Ang pagbubuo ng mga tourism packages na naglalayong mag-alok ng mga tao para sa
prostitusyon, pornograpiya o sekswal na pananamantala.

5.  Ang pagbabayad sa taopara sa prostitusyon o pornograpiya.

6.  Ang pag-aampon o pagtulong sa proseso ng pag-ampon para sa mga layunin ng prostitusyon,
pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

7.  Ang pangangalap, pagtanggap, pag-ampon, paglilipat o pagdukot sa isang tao sa


pamamagitan ng pananakot, puwersa o dahas upang tanggalan at ibenta ang bahaging katawan
ng biktima.

8.  Ang pangangalap, paglilipat o pag-amponsa isang bata upang siya’y isangkot sa mga
armadong pagkilos, saloob man o labas ng bansa.
Iba pang mga aktong paglabag:
1.  Ang pagpapagamit o pagpapaupang bahay o kahit anong gusali upang magamit ito sa
trafficking.

2.  Ang pag-isyu, paglilimbag o pamamahagi ng mga sertipiko na pawang nagmula sa kahit
anong ahensyang gobyerno, ito man ay peke o mga sertipikong hindi pa nagagamit upang ito ay
magamit sa trafficking.

3.  Ang pag-aanunsiyo, paglalathala, pagbabalita o pagpapamigay sa anumang paraan ng kahit


anong materyales nanagpo-promote ng trafficking.

4. Ang pagtulong sa panlilinlang upang makamit ng mga dokumento na kailangan upang


makalabas ng bansa mula sa mga ahensiyang gobyernon naatasang mag-sa gawang registration
sa mga taong nais lumabas ng bansa para sa layunin ng trafficking.

5.  Ang pagtulong sa pagpasok o paglabas mula sa bansa sa mga paliparan o daungan ng mga
taong mayroong huwad na dokumentong panglakbay upang makatulong sa trafficking.

6.  Ang pag-kumpiska, pagtago o pag-sirang pa sa porte, o anumang dokumentong panglakbay at


iba pang personal na dokumento ng mga biktima upang itaguyod ang trafficking o upang pigilan
sila na makaalis o makahingi ng tulong mula sa gobyerno.

7.  Ang paggamit sa serbisyong isang tao nasa pilitang pinagta-trabaho o inaalipin.

Q: Ano naman ang qualified trafficking?

1.  Kung ang biktima ay bata—may gulang na mababasa 18 o sinumang 18 pataas ang edad
ngunit walang kakayahang alagaan ang kanyang sarili laban sa pananamantala sanhing anumang
pisikal o mental na kondisyon;

2.  Kung ang pag-aampon ay ginawa sa ilalim ng “Inter-Country Adoption Act of 1995” na may
layong isang kota ng biktima sa prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala,
sapilitang trabaho o pang-aalipin.

3.  Kung ang krimen ay isinagawang sindikato--isinagawang tatlong tao o higit pa ang
tutulungan o kung malawak isinagawa laban sa tatlong tao o higit pa;

4.  Kung ang may sala ay kamag-anak, magulang, kapatid, guardian, o taong may kapangyarihan
sa biktima o kung ito ay opisyal o empleyado ng gobyerno;

5.  Kung ang biktima ay dinala sa prostitusyong sangkot ang pulisya o militar.

6.  Kung ang may sala ay miyembrong militar o pulisya.

7.  Kung sanhing trafficking, ang biktima ay namatay, nasiraan ng bait, napinsala ang katawan, o
nagkasakit ng HIV o AIDS.
 
Q: Sinu-sino ang maaaring mag-file ng kasong trafficking?

Maaring mag file ang sinuman sa sumusunod:

1.  Ang mismong biktima ng trafficking;


2.  Ang mga magulang, asawa, kapatid, mga anak o legal guardian ng biktima.
3.  Sinumang may personal naka alam sa anumang paglabag ng RA 9208;

Q: Saan dapat i-file ang kaso?

A: Ang kaso ng kriminal sa ilalim ng RA 9208 ay dapat i-file sa korte ng lugar kung saan ginawa
ang krimen, o kung saan man naganap ang alin mang elementong krimen, o kung saan
naninirahan ang biktima kung kailan nangyari ang krimen.

Q: Ano ang parusa sa paglabag sa RA 9208?

A: Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec. 4 ng RA 9208 ay mapaparusahan


ng pagkakulong ng dalawampung (20) taon at magbabayad ng multang hindi bababa sa isang
milyong piso (P1,000,000.00) ngunit hindi tataas sa dalawang milyong piso (P2,000,000.00).

Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec. 5 ng RA 9208 ay mapaparusahan ng


pagkakulong ng labin limang (15) taon at magbabayad ng multa na hindi bababa sa liman daang
libong piso (P500,000.00) ngunit hindi tataas sa isang milyong piso (P1,000,000.00).

Sa kasong qualified trafficking, ang may sala ay mapaparusahan ng habambuhay na


pagkabilanggo at magbabayad ng multa na hindi bababa sa dalawang milyong piso
(P2,000,000.00) ngunit hindi lalampas sa limang milyong pisyo (P5,000,000.00):

Ang sinumang bibili o magbabayad ng serbisyong biktima ng trafficking ay mapaparusahan sa


unang pagkakataonng anim (6) na buwan na community service at magbabayad ng multa na
limam pung libong piso (P50,000.00). Para sa mga susunod na pagkakataon, ang parusa ay
pagkakulong ng isang (1) taon at pagmumulta ng isanda ang libong piso (P100,000.00).

Q: Ano ang proteksyon ng batas para sa biktima ng trafficking?

1.Upang mapangalagaan ang karapatan ng biktima, ang pagdinig sa kasong trafficking ay


confidential.Mahalaga ang privacy ng biktima at akusado sa anumang antas ng imbestigasyon ng
kaso.

2. Hindi rin maaaring parusahan ang biktima para sa mga krimen ng nagawa lamang bilang
pagsunod sa mga kagustuhan ng may-sala.

3.Mapasailalimsa witness protection program kung kinakailangan.


4.Iba pang suportang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan:

    1.  Lugar na matitirhan (DSWD)

    2.  Counseling (DSWD)

    3.  Libreng serbisyo panlegal (DOJ/POEA)

    4.  Mga serbisyo ng medikal at sikolohikal

     5.  Mga programa ng pangkabuhayan

    6.  Pagtulong sa edukasyon ng batang biktima

You might also like