You are on page 1of 1

Umaga na nang lumabas si Aling Marta sa kanyang maliit na barung-barong na may dalang

ngiti sa kanyang labi, dahil magtatapos na ang kanyang anak sa high school. Sa araw ding yun
ay pumunta si aling Marta sa palengke para mamili ng uulamin nila sa pananghalian at bibili rin
siya ng garbansos dahil paborito ito ng kanyang anak. Nang papasok na si Aling Marta sa
pamilihan ay nabangga siya ng isang batang lalaki. Binulyawan niya ito at agad nang umalis
para mamili. Magbabayad na sana si Aling Marta ngunit napagtanto niyang nawawala ang
kanyang kalupi. Nanghina si Aling Marta at iniisip kung paano nawala ang kanyang pitaka.
Maya-maya biglang pumasok sa kanyang isipan ang gusgusing bata na nakabangga niya. Agad
siyang tumakbo at hinanap ang bata, nang makita niya ito agad niyang inakusahan na ito ang
nagnakaw ng kanyang pitaka. Pilit niya itong pinapaamin ngunit itinatanggi naman ito ng bata.
Maya-maya'y lumapit ang isang pulis at sinimulan na ni Aling Marta ang pagsusumbong. Pilit pa
rin nilang pinapaamin ang bata kaya naisipan nilang dalhin ito sa presinto. Dahil sa pagkainis ni
aling Marta sinaktan niya ang bata pero kinagat ng bata ang kamay ni Aling Marta kaya
nakawala ito. Dali-daling tumakbo ang bata at humanap ng malulusutan, dahil sa pagmamadali
ng bata hindi niya namalayan ang humahagibis na sasakyan kaya siya nabangga nito. Bago
mawalan ng buhay ang bata iginiit nito na wala silang makukuha sakanya dahil hindi naman
niya ninakaw ang pitaka. Nanghihina at gulong-gulo na umalis si Aling Marta, bago tuluyang
makaalis, muling dumako ang kanyang paningin sa bangkay ng bata at iniisip na mabuti nang
namatay ito kase kung hindi dahil dito hindi sana siya malalagay sa gantong problema. Naiisip
na ni Aling Marta ang posibling mangyare sa pag-uwi niya kaya naisipan niyang mangutang
muna kay Aling Godyang. Nung makauwi na siya ay natatanaw na niya ang nakangiti niyang
anak, ngunit nang makalapit na siya ay biglang nagtaka ang kanyang anak at tinanong kung
saan niya galing ang kanya g pinamili gayong naiwan niya ang kanyang pitaka dahil kinuha ito
ng kanyang asawa. Sa sandaling marinig ni Aling Marta iyon ay tila nag flashback sa kanyang
isipan ang duguang katawan ng bata. Walang lakas siyang umakyat sa hagdan at biglang
nawalan ng malay.

You might also like