You are on page 1of 1

Malungkot na pumasok sa bahay si Aling Lucia.

Naka-tayo ang bunsong si Jona sa may pintuan at


mapapansing naka-abang siya sa pagdating ng kanyang ina. Nang sa wakas ay dumating na ang
kanyang ina, pagalit na sinabi ni Jona na “Ma! Ang tagal niyo naman!” sabay nagmano siya at kinuha
niya ang bayong na kupas na ang kulay ng kanyang iritableng ina. Ibinunton ni Aling Lucia ang kanyang
galit kay Jona at sinabi niyang “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ‘wag mo akong tatawaging
‘Mama!’ Hindi tayo mayaman!” Nagtaka naman si Jona sa inasal ng kanyang ina dahil ganun rin
naman ang tawag ni Martha kay Aling Gracia. Lalong nainis si Aling Lucia ng sabihin ni Jona ang
pangalan na Aling Gracia. Ayaw na ayaw nang marinig ni Aling Lucia ang pangalang iyon dahil anya
niya hindi rin naman sila mayaman. Iniba na lang bigla ni Jona ang usapan ng kanyang ina at binuhat
niya ang lumang bayong. Naiinis na sinabi ni Jona “ Bakit parang walang laman ang bayong mo! Ang
gaan?!” Hindi tumugon si Aling Lucia. Tiningnang mabuti ni Jona ang laman ng bayong at napansin
niyang walang kalaman-laman ito at nagtatakang nagtanong si Jona “ Akala ko ba bibili ka ng patatas
para sa adobo mo?” Tinaasan na lamang ng boses si Jona ng kanyang ina at nagpalusot na naubusan
na ng patatas sa palengke. Sumagot ng pabalang si Jona kaya lalong nagalit si Aling Lucia at sinabing “
Hay naku, Jona! Wag ka nang magreklamo! Matuto kang kumain ng adobong walang patatas!
Nagtitipid tayo!” Padabog na pumasok si Jona sa loob ng kanilang bahay. Napansin ni Aling Lucia ang
nakatiwang-wang na plastik ng basura sa may pintuan. Pinagalitan niya ang kanyang anak ngunit hindi
na sumagot si Jona kaya naman binuhat niya na lamang ang mabigat na plastik ng basura at tsaka
itinapon.

You might also like