You are on page 1of 4

1ULANG 1ANAGA

BIBLIYA
Salitang dakila
Ng banal na dila
Diyos ng himala
Sa'tiy pinagpala.
GURO
Bayaning ituturing
Tuwid nilang hangaring
Ang musika at sining
Maituro sa atin.
LARAWAN
Ang iyong kasaysayan
Dito'y masisilayan
Matamis na lambingan
Tao ng nakaraan.
TUBIG
Ang tubig ay buhay
At panghabangbuhay
'Wag itong sayangin
Bagkus ay mahalin.
ALAK
Ito'y nakakalasing
At nakakahumaling
Hindi mo nanaisin
Epektong 'karimarim.

AW1 (angka|b|gan)
TUNAY NA KAIBIGAN
#aymart Oliveros

Kaibigang tunay kay hirap hanapin,
Sa apat na sulok nitong mundo natin.
Pagkaingatan mo kung mayroong darating,
Kaibigang tapat, maaalalahanin.

Oh! Kay sarap naman kung makatagpo ka
Mabuting kaibigan, kay inam kasama
Sa palarong Lotto para kang tumama
At umaapaw ang puso sa tuwa.

Kaibigang tunay ay sumasaklolo
At handang dumamay 'pag kaylangan mo
Ipaglalaban ka kahit na kanino
Basta't nasa tama at katwiran ito.

Piliing mabuti ang yong kaibigan
Dahil sila'y ating pagtitiwalaan
Ang mga sikreto'y kanyang malalaman
Mga suliranin, sya'y iyong sandalan.

Kaibigan minsan sila ay pahamak
Inggit ay nairal di maisiwalat
Kung tawagin sila'y kaibigang ahas
At sa ganyang tao ikaw ay mag-iingat.
NL1 (ag|b|g)

LIHIM NA PAGSINTA
#aymart Oliveros

Pusong umiibig ay nahihirapan,


Di maipagtapat ang nararamdaman
Takot mabigo at walang katugunan
Habambuhay kayang ilihim na lamang.
Pag-ibig ko'y tunay nais ipadama,
Sa nililiyag kong mahinhing dalaga.
At sa araw araw nais s'yang makita
At sa bawat oras gusto sya'y kasama.
Ang pag-ibig nama'y hindi pinaplano,
Kusang dumarating di man natin gusto.
Pero sana lamang Panginoon ko
Ibigay sa aki'y babaeng mahal ko.
Nagpapasalamat sa'yo, oh giliw ko,
Dahil sa pagtugon sa panambitan ko.

1ULAM8UnA
RAYMART VALDERRAMA OLIVEROS
Bente tres, buwan ng Hunyo, 1992 'yong araw
Isang sanggol na lalaki ang noon ay pumukaw
Sa baryo Halayhayin don' sa bayang Siniloan
Valderama't Oliveros, wagas ang kasiyahan.

#omeo dakilang ngalan ng aking amang makisig
Susana naman ang ngalan ng aking inang himig
Aking pangangailangan, ay sila ang dumidinig
Ako'y lumaki at natuto, tulong ang kanilang bisig.

Bilang isang kabataan, ako'y naging SK Chairman
Naging Pangulo rin noon ng lupon ng mag-aaral
Mataas na Paaralan ng Bayan ng Siniloan
Nagtapos ng sekondarya tanggap ang tanging parangal.

Paaralang LSPU, ngayon ay pinapasukan
Upang akin ay tuparin ang pangakong binitawan
Sa mahal ko na magulang na makatapos ng aral
Sa kurso ng pagtuturo,matematikang kritikal.

Mga naging karanasan di maiwawaglit kaylanman
Gagawin kong inspirasyon para sa kinabukasan
Aral kahapon at ngayon, sandata magpakaylanman
At upang maging matatag, kasunod na kasaysayan.

You might also like