You are on page 1of 1

No Contact Apprehension Policy (NCAP) , Pinasususpindi Ng Land Transportation Office (LTO)

Pinasususpindi ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz sa mga lokal
na pamahalaan Ang implementasyon ng no contact apprehension policy (NCAP).

Kaugnay nito hinikayat ni Guadiz ang mga LGU na ikonsidera ang suspensyon at makipagpulong sa LTO
upang maplantsa ang mga panuntunan kabilang na ang inirereklamo ng mga operator ng pampublikong
sasakyan na obligadong pagbabayad ng multa kung may paglabag ng kanilang mga drayber.

“Sa ilalim ng batas, ang nagbabayad ng multa ay ang registered owner ng sasakyan, on the presumption
na ang rehistradong may-ari ng sasakyan ang nagmamaneho and by command responsibility, ‘yung may-
ari ng sasakyan talaga ang dapat na magbayad kung may violation,” pahayag ni Atty. Guadiz.

Ihinayag ni Guadiz na under study o pinag-aaralan Ng LTO Ang naturang polisiya.

Sinabi ng opisyal na sa kanilang palagay tila may kakulangan sa palisiya na maaaring kailangang
repasuhin upang ang mismong drayber o nagmamaneho ng sasakyan ang dapat na managot sa nasabing
paglabag.

We will look into ways na ang dapat managot ay ang drayber,” ipinunto ni Guadiz.

Inihayag pa Ng opisyal na bahagi ng kanilang mandato sa implementasyon ng NCAP ang magpalabas ng


alarma sa mga sasakyan na nasasangkot sa paglabag

Tinitignan ding maigi at Kasama sa sa nais pag-aralan Ng LTO Ang anggulong naibenta na sa iba ang
sasakyan ngunit hindi nairehistro sa LTO ang paglilipat ng pagmamay-ari at nagkaroon ng paglabag sa
batas-trapiko.

"There are instances po na 'yung sasakyan ay nailipat na sa ibang pangalan pero dahil hindi ito nailagda
sa LTO, ang sinisingil pa po nila ay 'yung dating may-ari ng sasakyan. We would like to revisit this po,"
pagtitiyak ni Guadiz.

Naniniwala rin si Guadiz na maganda ang layunin ng no contact apprehension policy, ngunit kailangan
lamang na ayusin upang higit na mapalakas ang implementasyon at makatulong sa maayos na daloy ng
trapiko sa Metro Manila. Martha Abigael Viñegas

You might also like