at lingkod-bayan, ng Barangay Burgos sa Bayan ng Lopez, Quezon, ay nangangakong makikiisa sa layunin ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na mapaunlad ang kakayanan ng bawat pamayanan.
Pangungunahan ko ang pagtataguyod
ng mga hakbang, polisiya at batas na naglalayong mapag-ibayo ang antas ng aking paglilingkod sa aking barangay at sa mga nasasakupan nito.
Bilang isang tapat at
maasahang lingkod bayan, taos-puso akong susuporta sa layunin ng barangay sa pamamagitan ng napagkasunduan at napagtibay na Capacity Development Agenda na siyang magiging daluyan ng kaunlaran para sa aking mga ka-barangay. Makikiisa ako sa mga programa na nakasaad sa naturang CapDev Agenda sa paglilinis ng kapaligiran, sa pananatili ng sekyuridad at kalusugan, pagpapalago ng kabuhayan, at paglilinang sa kakayan ng bawat mamayan sa pamamagitan ng tapat, malinis, at epektibong pamumuno.
Lahat ng ito ay ipinapangako ko para sa
maayos at epektibong pagpapatupad ng Capacity Development Agenda.