You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

“Online Class: Epektibo nga ba?”

Ang lahat ay naapektuhan magmula ng pumutok ang pandemya ng Covid-


19. Bilang tugon sa pandemyang ito, ang institusyong pang-edukasyon ay
nagpatupad ng virtual o online na mga klase. Ang online class ay hindi epektibo at
hindi makatarungang sistema ng edukasyon.

Ang online class ay wala namang pinagka-iba noong face to face pa, sa
katunayan ay madami pa din ang gumagamit ng ganitong modalidad at ito ay
epektibo naman. Sa ganitong set-up ng pag-aaral ay magaan pagdating sa oras
sapagkat hawak natin ang oras kung kelan ka mag-aaral at gagawa ng mga
takdang-aralin. Ngunit sapat na nga ba ito para masabing epektibo ang online
class? Para sa unang punto, ang online class ay nakakaapekto sa mentalidad at
physical na katawan ng studyante. Ayon sa ulat ni Jv Layson sa kanyang “online
class spoken poetry” sa YouTube ay binanggit niya na hirap na hirap na siya kung
saan halos wala na siyang kain at tulog, sumasakit na ang kanyang mga mata, at sa
sobrang pagod ay hindi na niya mapigilang lumuha sa dami ng mga gawain na
hindi niya alam kung matatapos niya. Pangalawang punto, maraming mga mag-
aaral sa ating bansa ang walang kompyuter, cellphone at koneksyon sa internet. Sa
ulat ng Abs Cbn News naiulat ni Ina Reformina na maraming mga studyante ang
walang pambili ng gadgets para sa online learning kaya nanghihiram na lang ang
mga ito sa kanilang mga kaanak para mairaos lang ang pag-aaral. Sa pangatlong
punto, isa pang malaking suliranin ng mga studyante ay ang mahinang internet
connection sa Pilipinas. Sa ulat ng Abs Cbn News naiulat ni Raya Capulong na
hindi maituturing na matagumpay ang pag online class dahil balakid pa din ang
mahinang internet connection sa Pilipinas. Kaya kinakausap na ng mga senador
ang telecos para maayos at mas bumilis na ang internet dito sa Pilipinas.

Batay sa nabanggit na mga punto ay nagpapatunay lamang ito na hindi


epektibo ang online class sa Pilipinas at hindi ito makatarungang Sistema ng
edukasyon. Patuloy lamang naghihirap ang mga guro at studyante dito. Bilang
askyon, nawa’y maayos na ng mga nasa telcos ang internet connection sa Pilipinas
nang sa ganoon ay maging maayos ang daloy ng pag-oonline class, mabigyan nawa
ang mga studyanteng walang kakayahang bumili ng gadgets at palaging intindihin
at bigyan pansin ang mga nararamdaman ng mga studyante.

You might also like