You are on page 1of 1

BULACAN POLYTECHNIC COLLEGE

Rizal Buhay at Gawa


Assessment NO. 1.1: The National Language Issue
__________________________________________________________________

Balios, Princess Luzvel, I.


BSAIS 2-G

Ikalawang bahagi kabanata 14 talata 1-10 sa bahay ng


estudyante

1. Mula sa Tula ni Rizal na Sa Aking mga Kabata hanggang sa iyong narinig


mula sa podcast link na hango sa librong naglalaman ng El Filibusterismo, sa
iyong palagay, kinikilala pa ba sa ngayon ang mga aral mula kay Rizal bilang
mapagkukunan ng matalinong kalutasan sa kasalukuyang problemang
kinakaharap ng ating Lipunan?

Sa aking palagay ay magpahanggang sa ngayon ay kinikilala at


tinatangkilik pa din ng bawat estudyante mula elemterya hanggang kolehiyo
ang mga aral mula kay Rizal. Hindi nawawala sa bawat diskusyon ng mga guro
ang bawat likha ni Rizal. Kung saan ay binibigyan tayo ng iba’t ibang idea base
sa mga obra nito. Itinuturo rito ang pagmamahal sa sariling atin at sa ating
mga kababayan. Kaya nararapat lamang na pag tuunan ng pansin na tuklasin
pa lalo ang mga likha niya upang mas lalo pang lumawak ang ating kasanayan
at pagkatuto bilang isang Pilipino.

2. Aling mga pagbabago sa kalakaran ng ating buhay ang sa inyong palagay ay


sa anyo lamang? At aling mga pagbabago ang talagang makabuluhan?

Kung ang pagbabago sa kalakaran ng ating buhay mula nuon hanggang


ngayon ay masasabi ko na malaki ang naging pagbabago. Kung saan ay iba’t
ibang nasyon ang nakasakop at naka impluwensya satin. Na maituturing
naman natin na mayroong malaking pakinabang para pamumuhay natin sa
ngayon. Nagkaroon tayo ng pag diskubre ng mga modernong kagamitan na
kung saan ay nakakatulong ito upang mas mapadali at mas mapabilis ang
ating mga gawain. Ang pagbabago ay nagmumula sa ating mga sarili. Kaya
bago magkaroon ng malaking pagbabago na pang lahat ay simulant muna ang
pagbabago na makapag papabuti para sa iyong sarili.

You might also like