Professional Documents
Culture Documents
BE Letter Lanang. Tagalog
BE Letter Lanang. Tagalog
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LANANG HIGH SCHOOL
Petsa: _________________________
______________________________
______________________________
______________________________
Ang school year 2021-2022 ay nakapag-umpisa na at ang annual School Maintenance Week ay naganap
na noong August 3 to September 30, 2021. Gayunpaman, ang Brigada Eskwela na naglalayong pag-
isahin ang lahat ng magulang at iba pang mga sektor sa komunidad na magtulong-tulong para linisin,
pagandahin at isaayos ang paaralan ay isang buong taon pong aktibidad.
Ang Brigada Eskwela ay nagalayong buhayin ang magandang kaugalian ng mga Pilipino, ang Bayanihan
upang makamit ang layunin sa mas mabilis na paraan. Naniniwala po kami na kaisa po namin kayo sa
kagustuhang pagandahin at mapanatili ang kaayusan ng paaralan para sa muling pagbabalik ng mga mag-
aaral ay mas maging inspirado sila sa kanilang pag-aaral.
Sa gitna po ng pandemya, nagtitiwala po kami sa inyong bukas palad na pagtulong Maaari po kayong
magbigay ng donasyon katulad ng cleaning at paint materials, disinfectants, bond paper at printing
materials, seedlings, plants, school supplies o kahit ano pong suporta tulad ng pinansyal, oras at lakas na
may pagsaalang-alang sa IATF health and safety protocols. Wala pong maliit o malaking kontribusyon,
lahat po ay may ambag para sa ikauunlad ng ating paaralan.
Para sa iba pang detalye, maaari nyo pong tawagan si Sir ALjerr A. Laxamana, Brigada Eskwela School
Coordinator at 0975-184-3742.
Maraming salamat po sa inyong walang sawa at patuloy na suporta sa ating paaralan. Nawa’y lagi po
kayong patnubayan at pagpalain ng ating Poong Maykapal.
Lubos na gumagalang,
JOVITA G. SULIT
PTA President
MELINDA S. DAYAO
Head Teacher III/OIC
STATEMENT OF INTEREST
We are interested to be part of Brigada Eskwela 2021