You are on page 1of 2

Ang aking hindi malilimutang karanasan bilang isang studyante ng SHS

simula nung nag-enrol ako sa LPU, dun na nagsimula ang aking buhay bilang
isang estudyante ng SHS. sa loob ng pitong buwan ko nang pagiging magaaral
sa baitang 11, andami ko nang naranasan na hindi makakalimutan kasama ang
buong Ampere Itong mga ilalahad ko ay iilan lamang sa mga aking hindi
makakalimutang karanasan. ang aking unang karanasan bilang isang
studyante nung unang araw ng klase hindi ako umiimik dahil wala akong
kilala at hindi ako yung tipo ng tao na nilalapitan ang ibang tao para
makipagkaibigan. subalit si mikay at si jem agad akong nilapitan para
makipagkaibigan at ipakilala ako sa aming kaklase. Dahil sa kanilang ginawa
ako'y tuwang tuwa. ang pangalawang hindi ko makakalimutan na karanasan
ay nung sinabi sa akin nila vince na ang unang tingin nila sa akin ay bakla
dahil daw kaibigan ko sila mikay, ngunit nung nakilala na nila ako napagtanto
nila na mali sila. Ang pangatlo naman ay nung nag overnight kami kay sila
joshua para gumawa ng proytekto at makapaglaro ng basketball. Ang pang
apat naman ay nuong, nag-skyranch kami magkakaibigan, masaya ang lahat
sapagkat isa iyon sa mga unang pagsasama namin magkakaibigan, hindi man
lahat kasama pero nagsaya padin namam kami. Ang pang-lima ay nuong nag
eensayo kami para sa Pista sa Nayon, duon ko nakita kung ano ang mga
kakayahan na bawat isa kong kaklase at nakita ko duon ang ang
pagtutulungan namin upang magawa dapat gawin, ngunit may mga kaklase
akong ayaw makinig at sumunod. Ang pang-anim ay ang pagod ko sa pag
eensayo sa Wildstyle, dahil pagkatapos ng aking klase ang sunod kung
gagawin ay pumunta sa crew upang mag ensayo at ang isang pang
nakakapagod ay ang ilang oras na biyahe pauwi dahil sa traffic. Pagkauwi ko
wala na akong magawa na proyekto at hindi na ako makapagaral dahil sa
pagod, kaya nag-aaral na lamang ako habang nasa biyahe. Ang pang-anim
naman ay pag kami ay nakatambay, ang aming ginagawa ay paglalaro ng ML
kasi ito ang aming libangan. Ang huli ko namang sasabihin na karanasan ay
nung nagkaroon ako ng problema at nagtambakan na ako ng mga gagawin,
dahil sa mga nangyayari d ko na alam kung ano ang aking uunahin, ang
ginawa ko na lamang ay umiyak at pinapalipas ko ang aking oras muna sa
ibang lugar upang makalimutan ang aking mga problema. Hindi ko alam kung
kaynino maglalabas dahil hindi ako yung taong mahilig maglabas ng problema
sa kaibigan, kaklase o kahit kaynino man. natutuwa ako dahil sa karanasan na
iyon natuto na ako kung ano dapat mga gagawin, na hindi dapat ito
tinatakbuhan upang d lumala yung problema. Hindi man naging maganda
ang aming katapusan ngayong school year 2019-2020 dahil sa laganap na
Pandemic pero sa loob ng ilang buwan naming pagsasasama ay sapat na yun.
at sana sa susunod na "school year" ay mas maging maganda ang aming taon,
at mas magkaruon pa nang maraming alaala na pwede naming baunin sa
aming buhay.

You might also like