You are on page 1of 5

April 25 Daily Devotion

Mapagpalang-araw po sa ating lahat, ako po si Joven from Gates of Praise Taytay para
po sa ating daily devotion.
Nawa po ay nasa kanya kanya tayong tahanan nagdarasal at nagtitiwala sa
kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos lalo na sa panahon ngayon.
Bago po tayo magsimulang basahin ang salita ng Diyos ngayong umaga sabayan nyo
po ako sa isang panalangin.

Aming Ama tunay kang dakila at buhay sa bawat isa. Kami’y nagpapasalamat sa iyong
hindi nasusukat na pagmamahal para sa amin. Patawarin mo kami sa aming mga
pagkukulang at pagkakasala at gawing mong karapa’t dapat para sa iyo. Sa panahon
pong ito na may malaking pagsubok na kinakaharap ang mundo ang bawat bansa at
bawat gobyerno at ang bawat isa nais po naming itaas ang iyong dakilang pangalan,
dahil alam namin na walang ibang makakatulong sa amin kong hindi ikaw aming Diyos.
Ngaun sa pagbasa at pag unawa naming sa iyong salita gabayan kami ng iyong Banal
na Espirito na ito’y lubusang maunawaan at magawa at maipakita ng lubusan sa aming
buhay. Purihan ka at sa iyo po ang aming pag-asa sa pangalan ni Jesus na aming
Panginoon at tagapaglistas Amen!

Basahin po natinang salita ng Diyos


Awit 23:1-6

Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang ;


Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan, at inaakay nya sa tahimik na batisan.
Pinanunumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan nya sa tamang daan, upang
aking parangalan ang kanyang pangalan.
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat
ika’y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo
langin ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos.
Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y
nabubuhay; at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.
Sa panahon at sitwasyon natin ngayon maraming tao ang napapatanong sa sarili
“Paaano na?
Paano na ang trabaho ko?
Paano na ang hanap-buhay ko?
Paano na ang pamilya ko?
Paano kami makakain?

Saan? Kanino?
Saan kami pupunta?
Saan kami makakahingi ng tulong?
Saan ba kami mamamatay? Sa sakit ban a Covid19 o sa gutom?
Kanino kami lalapit?
Kanino kami hihingi ng tulong?

Sino?
Sino ang tutulong sa amin?

Ano?
Ano ang dapat naming gawin?

Napakaraming katanungan ang nabubuo sa ating isipan dahil sa kasalukuyang


nangyayari.
Pero lahat ng tanong na ito ay may iisang kasagutan lamang. “Ang Diyos”
Ang Diyos ang nag-iisang kasagutan sa ating mga katanungan.
Balikan natin ang sinasabi sa awit 23
Si Yahweh ang ating PASTOL
Ano po ang Pastol? Tagapangalaga ng mga tupa
Ang Pastol ay tinatawag ding “Tagapangalaga”
Sinasabi sa verse na ito na si Yahweh ang ating Pastol, ang ating Tagapangalaga.

Sa panahon ngayo maraming katanungan ang nabubuo sa ating isipan, tanong na


nagdudulot ng takot at pagkalito at nagreresulta ng kawalang pag-asa.
“Paano?”
Paano ako?/paano tayo?/trabaho/hanap-buhay/pagkain
- Magtiwala sa Diyos
Gaya ng isang tupa na nagtitiwala sa kanyang Pastol/Tagapangala.

Jeremiah 17:7a
“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang mga umaasa
sa kanya…
Saan?pupunta/lalapit?
- Lumapit tayo sa Diyos

Hosea 6:1
Halikayo, tayo’y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring
magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya’t siya rin ang gagamot.

Sino? Ang tutulong? Magpapagaling?


- Ang Diyos

Psalm 18:6
Kaya’t si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula
sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan nya ang aking paghibik.
Ano? Ang dapat nating gawin?
- Sumunod sa Diyos
Gaya ng isang tupa na sumusunod sa boses ng kanyang Pastol

John 10:3
…Pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang
mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan.
Nawa’y naunawan ang tumatak sa ating puso ang nais sabihin sa atin ng Diyos ngaun.
Muli nating basahin ang ating Teskto.

Awit 23:1-6

Si Yahweh ang aking Pastol, hindi ako magkukulang ;


Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan, at inaakay nya sa tahimik na batisan.
Pinanunumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan nya sa tamang daan,
upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat
ika’y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking
ulo langin ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos.
Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang
ako’y nabubuhay; at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Ano man ang mangyari, ano man ang kaharapin, ano mang pagsubok, magpakailaman
tayo’y Manahan sa presensya at pag-ibig ng ating Diyos. Wala syang hindi kayang
ibigay para sa atin, nauna nan yang ibinigay ang kanyang buhay para sa ating doon pa
lamang sa Krus, naibigay na nya ang lahat kaya’t patuloy tayong magtiwala at
pagmamahal nya sa panahon na pagsubok na ito.

Bilang pagwawakasa tayo po ay sandaling manalangin.

Panginoon, kami ay nagpapasalamat sapgakat alam naming na ang iyong pagmamahal


ay sapat na para sa amin, ibinigay mo na ang lahat lahat para sa amin, kaya naman
wala ka nang mga bagay pa na hindi kayang ibigay, sa panahon ngayon, panahon ng
kaguluhan, panahon ng pagkakasakit maraming nabubuong tanong sa aming isipan
ngunit kami ay nagpapasalamat dahil lahat ng katanungang ito ay may iisang
kasagutan ikaw lamang aming Diyos na buhay at dakila. Gamitin mo ang panahong ito
upang lalong maitaas ang iyong ngalan, upang mas marami pa ang makakilala sa iyo.
Ikaw ang Diyos na nagliligtas, ikaw ang Diyos na nagpapagaling hindi kami mawawalan
ng pag-asa sapagkat kasama namin ang aming tagapangala ang aming pastol. Walang
Covid19, gutom, sakit o hirap ang makakapagpabagsak sa mga tao at bansang ikaw
ang Panginoon, ikaw ang pag-asa at tagapangalaga. Ito ang aming panalangin sa
pangalan ni Jesus na aming Panginoon at tagapagligtas. Amen!

You might also like