You are on page 1of 6

Narciso , Schinley J.

BSNED GEN – III


GE 12 – AA TTH 2:30-4:00 PM

KABANATA 1

PAGSASANAY
Gawain #1
Panuto: Sa mga Kulturang Pinoy, alin sa mga ito ang labis mong pinahahalagahan at
isinasagawa pa rin sa inyong tahanan. Gawan ito ng maikling sanaysay na may 2-3 talata.
Pansinin ang sumusunod na krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing
pagmamarka.
Ang pagkakaroon ng mga iba’t-ibang kultura ay namana natin sa mga sinaunang Pilipino.
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maiitangging marami tayong mga namana sa ating
mga ninuno. Sa aking pagbabasa at pag-unawa, marami kaming patuloy na isinasagawa at patuloy
na isinasabuhay sa aming tahanan at komunidad.
Isa na rito ang “bayanihan” , ito ay isang bahagi ng ating kultura na masasabing makaluma
o tradisyunal, dahil sa panahong nagsimula ito. Ang konsepto ng pagbabayanihan ay ang sama-
samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at
pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan tulog noon, paglipat ng bahay kubo, iba narin ang
bayanihan ngayon. Ang bayanihan ngayon ay tungkol sa pagtulong sa mga naghihirap sa buhay
tulad ng mga nasalanta ng bagyong Odette, lindol at ibat-ibang sakuna na ating naranasan.
Makikita talaga dito ang pagka-matulungin ng isang pilipino.Tumutulong kahit walang hinihining
kapalit.
Sa larangan naman ng pag-ibig labis na pinapahalagahan ang panliligaw. Ito ay sa
pamamagitan ng paghaharana sa mga kababaihan , na kalaunan ay humahantong sa kasalan. Ang
tradisyunal na kasalan ay nagsisimula sa pamamanhikan, kung saan maghaharap sa isang piging o
munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal. Sa pagkakataong iyon
pinag-uusapan at pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan.Kung may
ikakasal man sa aming pamilya ay mahusay itong pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung
kailan at saan gaganapin ang kasalan at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya.
Ang paraang ito ay sinusunod ng aming pamilya upang masigurado na matiwasay ang pagsasama
bawat isa.
Isa pa rito, ay ang pagpapahala sa pamilya. Palagi namin itong ginagawa. Ipinapakita
namin ang pagpapahalaga sa aming pamilya sa pamamagitan ng pagmamahal at pag respeto sa
bawat isa, . Kahit anong kahirapan o kasagana ang aming buhay, hindi namin kinakalimutan ang
mga taong tumulong at nagbigay ng halaga simula sanggol hanggang sa kasalukuyan.

Ang kultura na aking nabanghit sa itaas ay sumasalamin sa kasaysayan ng isang bansa. Isa
rin ito sa ating pagkakakilanlan. Mahalaga ang mga paniniwala, kultura at tradisyon mula sa
nakalipas sapagkat ito’y daan para magkaroon ng kasaysayan sa kasalukuyan.

Gawain # 2

Panuto: Gumawa ng isang malikhaing bidyo na may 3-5 minuto na naglalaman o nagpapakita ng
iba't ibang Kulturang Pinoy na isinasagawa noon hanggang ngayon. Pansinin ang sumusunod na
krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing pagmamarka.
Ito po ang Google Drive link mam. Salamat
https://drive.google.com/file/d/1FfuIL2WegF60g8-Qr8szuPl_JSDbp5f6/view?usp=drivesdk

PAGTATAYA
II. PAGPAPALIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. (Limang puntos bawat bilang na may kabuuang
20 puntos).

1. Bakit mahalagang mabatid at pag-aralan ng ilang estudyanteng kagaya mo ang mga


Kulturang Pinoy at Kulturang Popular? Ipaliwanag.
➢ Napakahalaga na malaman ko ang mga Kulturang Pinoy upang maunawaan ko ang mga
nakapaloob dito na kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan, at kasabihang ginagamit
mula pa noon hanggang ngayon. Ito rin ang nagiging daan para ating itanghal ang mga
tradisyon ng nakaraan. Mula noon hanggang ngayon, ang mga aral, kaugalian, at tradisyon
na kasama sa ating kultura ay patuloy pa rin na nagbibigay sa atin ng gabay. Ang kulturang
popular naman ay nagpapakita na ang ating kultura ay umuusbong, ito ay maaaring
pagkain, teknolohiya, musika at iba pa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para
maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang
kanilang sarili. Dahil dito, ang kulturang Pinoy at Kulturang Populat at dapat bigyang
halaga.
2. Makikita pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga Kulturang Pinoy na natalakay?
Patunayan.
➢ Oo. Mula noon hanggan ngayon nanatiling pinapraktis at pinamamana ng ating mga ninuno
hindi lamang ang kulturang nakasanayan natin pati na rin ang pag usbong ng mga bagong
aspetong nakapapaloob nito kagaya ng mga pagdiskobre ng pelikula at iba pa ang ilang
magagandang asal at nakagawian ng mga pilipino na sinasanay kasalukuyan ay ang
paggalang sa matatanda, pagmamano, pagtawag ng "ate" at "kuya" sa nakatatandang
kapatid, bayanihan, malugod na pagtanggap sa bisita, pagdarasal bago kumain, ang
pagiging madasalin at iba pa.

3. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa Kulturang Pinoy? Patunayan.


➢ Maipapakita ko po ang pagpapahalaga ng kulturang pinoy sa pamamagitang ng pagbibigay
respeto o paggalang sa mga nakagisnang gawi at hindi ikakahiyang aminin na ito ang aking
kultura at paniniwala. Mahalaga na gamitin at isabuhay pa rin ang mga tradisyon at
paniniwala sapagkat ito lamang ang tanging paraan upang mas mapalago at mapagyabong
ang kulturang kinagisnan at pinagmulan.

4. Ano sa palagay mo ang sinasalamin ng kultura?


➢ Sa palagay ko, ang ang ating pagka Filipino ang nagpapaturing salamin ng kultura dahil sa
ating nakasanayang kagawian na nagsisilbing komunikasyon natin upang tayo'y magkaisa
at magkaintindihan, at kung sa gayon ay nagpapakita ng ebidensiya na tayo'y nakikilanlan
ng mga iba't ibang tao o dayuhan sa labas ng ating bansa.

Takdang-aralin

Panuto: Ano ang mga makabuluhang kaalaman na iyong natutuhan mula sa pag-aaral ng
leksiyong ito? Isalaysay. (15 puntos).

Sa kabantang ito ay marami akong natununan . Isa na rito ang kapansin-pansin na kultura
ng ating bansa, ito ay nag-aambag sa ganda ng Pilipinas. Makikita ang mga tradisyon sa ating mga
komunidad na maaaring nanggaling o naimpluwensiyahan ng mga bansang sumakop sa atin. Ang
kultura natin ay nakakaapekto sa paraan ng wika, pagkain, pananamit, kasangkapan at maging sa
ating tirahan. Kasabay nito ay ang edukasyon natin, kaugalian, paraan ng gobyerno, mga
paniniwala at relihiyon, sining at maging ang paraan ng pananalita.
Sa paglipas ng panahon, ay umusbong ang ibat-ibang teknolihiya kasabay na rin ng
paglaganap ng internet na naging dahilan upang magkarron tayo ng Kulturang Popular. Ang
kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda,
maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip
na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin
natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang
matabunan ng kulturang popular-kulturang nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.

Isa pa sa mga natutunan ko sa kabanatang ito ay ang mga bagay na nakaiimpluwensya sa


kultura ng mga Pilipino. Kabilang na rito ang Hinduismo, Busdismo, mga Kastila, Tsino at iba
pang mga dayuhan. Sa larangan ng lutuin, nagluluto ang mga Pilipino n sari-saring pagkain na
naimpluwensyahan ng Indyano, Tsino, at ng mga katutubong sangkap. Sa larangan naman ng
edukasyon , ay makikita ang mga ideolohiya at pilosopiyang Kanluranin at Silanganin mula sa
Estados Unidos, Espanya, at ng kanyang mga karatig na Asyanong bansa. Ilan lamang ang mga
ito sa impluwensya ng mga dayuhan na ating ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Mas lalo ko ring napatunayan ang mga katangian ng isang indibidwal 100% Pinoy.
Kabilang na dito ang pagtulong sa kapwa o bayanihan , matinding pagbuklod-buklod ng mag-
anak, pakikisa, pagkakaroon ng hiya , pagtanaw ng utang na loob, pagpapahalaga sa amor propio
o dignidad ng tao, delikadeza, Palabra de Honor , paggalang sa nakaktnda , pangahaharana ,
pagdarasal bago kumain , at higit sa lahat -ang paniniwala sa ibat-ibang kasabihan.

Ang kabantang ito ay labis na nagpasaya sa akin dahil ang ating kultura ay hitik sa mga
natatanging kasangkapan at walang makakatumbas. Bilamg isang mamamayan nga bansang ito,
ay patuloy ko itong isasabuhay, isasapuso at isasagawa.
KABANATA 2
Gawain # 2
Panuto: Sa mga sagisag ng kulturang Pilipino na naging popular, pumili ng isa at itanghal
ito. (l-video ang iyong pagtatanghal). Pansinin ang sumusunod na krayterya sa ibaba upang
magabayan sa gagawing pagmamarka.
Ito po ang Google Drive link mam. Salamat
https://drive.google.com/file/d/1FfuIL2WegF60g8-Qr8szuPl_JSDbp5f6/view?usp=drivesdk

PAGTATAYA
PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. (Limang puntos bawat bilang na may kabuuang
10 puntos).

1. Para sa iyo, tunay nga bang makabuluhan ang mga sagisag na ito sa kulturang Pilipino?
Bakit? Patunayan.
➢ Sang-anyon ako na ang kultura ay nagbibigay ng napakamakabuluhang bahagi ng ating
bansa. Ang kultura ang siyang nagbubuklod at gumagabaysa ating mga Pilipino. Ito ay
nagpapakita na mayroon tayong pinagmulan sa mga bagay at gawaing nakasanayan natin.
Ang Pilipinas ay may makulay na kultura at kinilala rin mayaman sa iba’t-ibang uri ng
kultura at isa sa mga bansa na kinikilala ang kulturang nagmula saating mga ninuno. Ilan
sa mga impluwensiya ng ating mga ninuno at mga bansa noon nasumakop sa atin ay ang
pagsasayaw, mga awitin, mga iba’t-ibang klase ng pagkain, mgapagdiriwang, kasuotan,
mga mahahalagang pangyayaring naganap atbp. Kaya huwag natingbalewalain ang ating
kultura sa halip ay alagaan natin ito at itaguyod.

2. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagtangkilik at


pagpapahalaga sa mga sagisag ng kulturang Pilipino? Patunayan.
➢ Bilang isang kabataan maipakikita ko ang pagpapahalaga sa mq sagisag ng kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng pagpapayaman ng aking kaalaman ukol sa ibat-ibang kulura
ng Pilipinas. Hihikayatin ko rin ang mga tao na tangkilikin ang sariling atin sa
pamamagitan ng mga social media sites upang mas maraming tao ang makaunawa tungkol
rito. Isa pa rito ay ang pagsuot ng Pambansang kasuotan tuwing Buwan ng Wika upang
ma-irepresenta ko ang kagandahan ng isang dalagang Pilipina ,yeah.Bilang isang guro sa
hinaharap, patuloy ko itong isasabuhay nang sa gayon ay hindi tuluyang mawala at
makalimutan ang kultura ng ating bansa.

You might also like