You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

TALASTASIN NG SINUMAN:

Ang kasunduan na ito ay ginawa nina:

_____________________________, Pilipino, may sapat na gulang at naninirahan sa may


patirahang sulat sa _______________________________. Dito ay nagpapakilala ang
NAGPAPAUPA.

_____________________________, may sapat na gulang, naninirahan sa may patirahang


sulat sa _____________________________, ito ay makikilala na NANGUNGUPAHAN.

Ang salitang apartment o pintong inuupahan o inuupahan ay iisa ang ibig sabihin.

AY SUMAKSI:

1. Na ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang pinto ng apartment sa _______________


samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na pinto at
ito namay tinanggap ng una batay sa sumusunod na kundisyon.

2. Na ang kasunduan ay tatagal ng isang taon simula sa araw ng buwan ng paglipat.

3. Na ang bayad sa napagkasunduang pinto ng inuupahang apartment ay ________.

4. Ang buwanang upa ay gagawin sa pintong inuupahan at magbabayad tuwing ika


______ ng buwanang susunod.

5. Na ang deposito sa paglipat ay halagang ___________.

6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang


NANGUNGUPAHAN ay puputulan ng tubig.

7. Na kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon


ng kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA
na ipawalang saysay ang kasunduan na ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o
iwanan ang pintong inuupahan.

8. Na ang lahat ng pangkaraniwang reparasyon sa pintong inuupahan na ang tanging


dahilan ay ang pang araw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang
singilin sa NAGPAPAUPA.

9. Ang deposito ay di maaaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon
paninirahan sa nasabing paupahan.

10. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang _____ lamang.

11. NA ang NANGUNGUPAHAN ay pinagbabawalang gamitin itong apartment o alin mang


bahagi na ito, ay di maaaring paupahan sa iba na walang nakasulat sa pahintulot ng
NAGPAPAUPA.

12. Na ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN sa kanyang apartment


ay kanyang sariling pananagutan.

13. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring mag-alaga ng anumang hayup gaya ng


ibon, aso, pusa, atbp. sa loob at kapaligiran ng apartment.

14. Na ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong


pinatutupad ng pamahalang local at nasyonal.
15. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi pinapayagang gamitin ang deposito sa buwanang
upa.

16. Na hindi pinapayagan ng NAGPAPAUPA na magkaroon ng bisita ang


NANGUNGUPAHAN na hihigit sa 5 araw.

17. Na kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan ito ay
magbibigay ng abiso o pasabing isang buwan.

18. Kung sakaling biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari at kailangan lisanin ng


NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan, may isang taon man o wala pa ang
NANGUNGUPAHAN, siya ay walang makukuhang anuman sa NAGPAPAUPA.

19. Na kung sakaling di makabayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng


NANGUNGUPAHAN ay magiging prenda sa NAGPAPAUPA.

20. Na ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula
ikawalo ng umaga hanggang ika lima ng hapon.

21. Na kung sakaling pagkatapos ng isang taong pangungupahan ay mananatiling maayos


ang relasyon ng NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN at ipagpatuloy ang pagupa sa
nasabing pinto ang kasunduang ito ay babaguhin batay sa kasunduan ng dalawang panig.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda


ngayong ika _______________ , 2022.

__________________________ __________________________
NANGUNGUPAHAN NAGPAPAUPA

SINASAKSIHAN NINA:

__________________________ __________________________

PAGPAPATUNAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG __________
_____________

Ngayong ika ____ ng _______________ taong kasalukuyan ay lumagda sa harap ng


mga nabanggit na tao ay ipinaalam nila sa akin na iyon ay kusang loob nilang salaysay.

Ang kasulatang ito ay dalawang pahina kasama na rin dito ang kinalalagyang patunay
at nilagdaang ng dalawang panig gayundin ang kanilang saksi sa lahat ng pahina.

SINAKSIHAN NG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYAL SA LUGAR AT PETSANG


BINABANGGIT SA ITAAS.

Notary Public

Doc. No. ___


Page No. ___
Book No. ___
Series of 2022.

You might also like