You are on page 1of 2

Wikang Filipino Sa Iba’t Ibang Larangan

Pilipinas, bansang aking kinamulatan

Wikang Filipino ang aking kinalakihan

Wikang nagbigay sa ating mga Pilipino ng kapangyarihan

Upang magkaintindihan at magkaunawaan

Wikang Filipino, dalawang salita

Ngunit napakahalaga

Wikang Filipino, labing apat na letra

Ngunit sumisimbulo sa ating kultura

Hindi matatawaran ang kahalagahan nito sa ating lipunan

Sa araw-araw na pakikipagkapwa’t pakikipagtalastasan

Saan mang larangan

Wikang Filipino ang pundasyon at sandigan.

Wikang Filipino, wikang gamit sa tahanan

Maging sa pamahalaan, kalakalan, at paaralan

Wikang Filipino ang naging daan sa pagkakaunawaan

Tunay na mahalaga ang wika sa anumang larangan.

Para sa pamahalaang patuloy na kinakamit ang kaunlaran,

Ito ang hinahasa nating mga Pilipino upang pagkamtan ang ninanais na kaunlaran

Subalit, ito rin ang ating naging kakampi at panangga sa mga nais tayong hadlangan

This study source was downloaded by 100000821935635 from CourseHero.com on 03-31-2022 08:32:37 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/94093795/spoken-poetrypdf/
Nagsisilbi ring daan sa paghahabi ng pagkakaisa, pagpapatupad ng batas

Gayundin sa pagbabahagi ng adhikain para sa mga minamahal na kababayan.

Sa larangan ng kalakalan,

Layuning mapabilis ang daloy ng pakikipag-ugnayan

Upang gulo mula sa madla ay maiwasan

At mga produkto’y tangkilikin ng karamihan.

Sa Paaralan, wikang Filipino’y natutunan nating pahalagahan

Dahil dito guro’t estudyante ay nagkakaintindihan

Sabi nila, paaralan ang magsisilbing daan

Sa matagal na nating inaasam na kaunlaran

Kasama sa hirap, gayundin sa ginhawa.

Wikang Filipino, patuloy nating pag-aralan

Upang payabungin at bigyang halaga ng mga mamamayan

Wikang Filipino, saan mang larangan pinapagaan nito

Ang buhay ng mga Pilipino

At walang hatid na masama

Kaya dapat protektahan, tangkilikin,

At higit sa lahat ay atin itong gamitin at mahalin

Sariling wika

Ay huwag ikahiya.

This study source was downloaded by 100000821935635 from CourseHero.com on 03-31-2022 08:32:37 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/94093795/spoken-poetrypdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like