You are on page 1of 3

Our Lady of the Pillar College- SMI

San Manuel, Isabela


Basic Education Department
S.Y. 2020-2021
SUMMATIVE EVALUATION IN FILIPINO 1

PANGALAN: __________________________________________ MARKA: ____________

BAITANG AT SEKSIYON: GRADE 1 – ST. FRANCIS PETSA: ______________

LEARNING COMPETENCIES:

 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas o galaw ng katawan, at ekspresyon ng


mukha. F1PT-IIb- f–6
 Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari. F1WG-IIc-f–2
 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita. F1KP-IIIh-j–
6
 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita F1KP-IIf–5
 Nabibilang ang pantig sa isang salita F1KP-Iie - 4
_________________________________________________________________________________

I. Basahing mabuti ang bawat tanong at tukuyin ang nararapat na sagot para rito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1) Humihiram si Danica ng lapis kay Carlo, hindi nagsalita si Carlo ngunit itinaas niya ang
dalawa niyang kilay at tumango. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
a. Ayaw ipahiram ni Carlo ang kaniyang lapis.
b. Pumapayag si Carlo na ipahiram ang kaniyang lapis.
c. Nagalit si Carlo kay Danica dahil sa paghiram niya ng kaniyang lapis.
2) Naglalaro si Ana at Lita ng habulan ng aksidenteng madapa si Ana. Tinanong ni Lita kung
nasugatan ba siya, umiling si Ana. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
a. Walang sugat si Ana.
b. Nasugatan si Ana.
c. Ayaw na niyang makipaglaro kay Lita.
3) Naglalakad pauwi si Marie ng biglang may lumapit sa kaniyang babae at tinanong siya kung
nakikilala pa niya ito. Kumunot noo si Marie. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
a. Kilalang kilala ni Marie ang babae.
b. Galit si Marie sa babae.
c. Hindi makilala ni Marie ang babae.

4) Anong tinutukoy ng pangngalang “Luneta Park”?


a. Tao b. Bagay c. Lugar
5) Ano ang tinutukoy ng pangngalang “Bb. Ramos”?
a. Tao b. Bagay c. Lugar
6) Ano ang tinutukoy ng pangngalang “Mongol”?
a. Tao b. Bagay c. Lugar
7) Ano ang tinutukoy ng pangngalang “Muning”?
a. Lugar b. Hayop c. Pangyayari
8) Ano ang tinutukoy ng pangngalang “Araw ng Kalayaan”?
a. Lugar b. Hayop c. Pangyayari
9) Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /k/ ang /d/ sa salitang dahon?
a. Kahoy b. Kahon c. Kamay
10) Anong salita ang mabubuo kung ng /l/ ang /k/ sa salitang kapit?
a. Lapit b. Lapot c. Lasap
11) Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ ang /k/ sa salitang pook?
a. Polo b. Poot c. Puno
12) Anong salita ang mabubuo kung dadagdagan ng /m/ at /a/ sa unahan ang salitang linis?
a. Malinis b. Nalinis c. Mabilis
13) Anong salita ang mabubuo kung dadagdagan ng /a/ at /n/ sa hulihan ang salitang kasalan?
a. Ikakasal b. Kasalatan c. Kasalanan
14) Ano ang ginawa kapag ang salitang masaya ay naging masayahin?
a. Pinalitan b. Dinagdagan c. Wala sa nabanggit
15) Ano ang ginawa kapag ang salitang paso ay nagging puso?
a. Pinalitan b. Dinagdagan c. Wala sa nabanggit
16) Ilang pantig ang mayroon sa salitang “Pinagdaraanan”?
a. Lima b. Anim c. Pito
17) Ilang pantig ang mayroon sa salitang “Masaya”?
a. Tatlo b. Apat c. Lima
18) Ilang pantig ang mayroon sa pangalang “Jose Rizal”?
a. Tatlo b. Apat c. Lima
19) Ilang pantig ang mayroon sa buong pangalan ng inyong guro?
a. Tatlo b. Apat c. Lima
20) Ilang pantig ang mayroon sa salitang Pilipinas?
a. Tatlo b. Apat c. Lima

Para sa bilang 21-25. Bilugan ang letra ng salitang naiiba ang tunog.

21) a. mesa b. mapa c. kapa


22) a. basurahan b. kapatid c. kahoy
23) a. bote b. apoy c. araw
24) a. upuan b. ulam c. orasan
25) a. kahon c. dahon c. damit
INIHANDA NI: Bb. Gelyn V. Gamboa IWINASTO NI: Gng. Gemalyn C. Marcos

Guro Elementary Coordinator

IPINASA KAY: Bb. Marijoe M. Pimentel

Punong-guro

LAGDA NG MAGULANG: ___________________________________

You might also like