You are on page 1of 2

PRONUEVO, LEI VINCENT DJ.

SUM2022-01051
BSBA BPO 1A
REAKSIYONG PAPEL HINGGIL SA EPEKTO NG PAG-ALIS NG FILIPINO AT
PANITIKAN SA COLLEGE CURRICULUM

Ang dokumentaryong ito ay akda ni Athena Imperial na mula sa Brigada, ay isang Philippine
television investigative journalism program broadcast ng GMA News TV at GTV. Sa
pinakahuling desisyon ng korte suprema tinanggal na sa kurikulum ng mga estudyante ng
kolehiyo ang Filipino at ang panitikan at ito ay inalmahan ng marami. Ani nila, lantarang
pagpatay daw ito sa pagpapahalaga sa ating pagka-pilipino . Ang mga guro ay nawawalan na ng
espasyo sa maraming paaralan. Para na ring sinabi ng mga nagtanggal nito na ang Filipino at
Panitikan ay hindi mahalaga o mga basurang didiplina na pwedeng pang sekondarya na lang.
Pero hindi lang ang asignaturang Panitikan at Filipino ang unti-unti nang nawawala sa panahon
ngayon, dahil ang subhektibong kasaysayan ay hindi na ituturo sa sekondarya.

Maraming pinagdaanan ang ating wikang filipino na kung paano ito itinawag na wikang filipino
sa kasalukuyan. Kaya labag sa akin ang pagtanggal ng asignaturang Filipino at Panitikan sa mga
Kolehiyo maging na rin ang subhektibong pangkasaysayan sa iilang mga Unibersidad dahil lang
naging bahagi na ito ng kurikulum ng batayang edukasyon, kung isasaalang-alang na ito ay
katulad ng asignaturang Ingles na pinag-aaralan sa Basic Education Curriculum ngunit wala sa
mga plano. ng mga may awtoridad na alisin ito. Ang ating pag-aaral ng asignaturang Filipino ay
hindi natatapos sa iisang asignatura lamang kada taon dahil ito ay parte ng ating nakaraan na
magtutukoy sa iyong pagkatao at akin lamang maidagdag na ang paglimot mo sa iyong sariling
wika ay nagtutukoy rin sa iyong pananaw ukol sa politika o kung ano ang iyong mga pananaw sa
pang araw-araw na pamumuhay bilang Pilipino dahil konektado ang lahat ng ito.

Sa pang araw-araw nating pamumuhay malaking parte dito ang paggamit ng sariling wika.
Masuwerte ako at walang hadlang kong naipapahayag ang aking sariling wika. Marami ang
nagkakaroon ng “language shift”, kung saan lumilipat sila sa wikang dominante
upang makipagsabayan o makisalamuha sa iba. Sa paraang ito unti-unting nawawala ang mga
katutubong wika.Ang maaari nating gawin ay bigyang respeto ang lahat ng wika, naiintindihan
man natin o hindi. Gamitin ang mga social media platforms upang manghikayat ng mgatao
upang gamitin at ipagmalaki ang kanilang sariling wika na talagang natatangi. Mga paraan na
pwede nating gawin para maiwasan ang pagkamatayng wika ay p agpapalaganap ng kaalaman
tungkol sa wikang FIlipino. Paggamit ng wikang Filipino sa paaralan at sa komunidad. Paggamit
ng "social media". Makilahok sa mga aktibidades na may kinalaman sa pagpapahalaga ng
wikang Filipino. Paglikha o pagsulat ng mga tula, kuwento na may kapupulutan ng aral, at mga
artikulo na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino.

You might also like