You are on page 1of 1

Bionote ni Dr.

Julia Elise Montesclaros

Si Dr. Julia Elise K. Montesclaros ay isang ekspertong doktor ng mga bata , isang
Neonatologist na nagtatrabaho sa Cebu Doctor’s University Hospital sa Cebu City.
Ipinanganak siya sa Poblacion, Medellin, Cebu noong November 1, 1988. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Emma K. Montesclaros at Joselito J. Montesclaros na may
parehong trabaho tulad ng sa kaniya, ang pagiging doktor.
May sampung taong karanasan sa serbisyo si Dr. Montesclaros. Siya ay nag-aral sa
Cebu Doctor’s University sa kursong Bachelor in Science in Biology bago niya narating
ang kaniyang propesyon. Pagkalipas ng apat na taon ay nag-aral siya sa parehong
paaralan sa ilalim ng Department of Pediatrics at nakapagtapos sa kurong medisina.
Tatlong taong pagsasanay ng pagiging pangkahatang pediatrics at tatlong taong
karagdagang pagsasanay sa pangangalaga ng bagong panganak ang kaniyang
sinailalim. Pumasa sa kaniyang unang subok sa Physician Licensure Examination
taong 2018.
Ngayon, isa na siyang senior resident na doktor at kamakailan lang ay nabigyan ng
parangal dahil sa maayos na pagpagkadiliber sa Interhospital Case Conference na may
paksang “A Spiral Saga: A case of Conginetal Syphilis”.

You might also like