You are on page 1of 1

MGA PROGRAMA SA BRIGADA ESKWELA SA TAONG 2022

1. Adopt-A-Classroom Project
Ang Adopt-A-Classroom Project ay naglalayong maging kabalikat ang mga magulang at iba
pang miyembro ng komunidad na maging kaagapay ng ating paaralan. Ang programang ito ay
magsisilbing daan sa mga guro na mas mapabuti pa ang kalidadad ng edukasyon sa
pamamagitan ng isang kaaya-aya at ligtas na silid aralan para sa mga mag-aaral. Ang mga
gurong tagapayo ay nag-aanyaya ng mga boluntaryong magulang, tagapangalaga at iba pang
stakeholders na magiging kabalikat at katuwang sa programa sa pamamagitan ng tulong at mga
donasyon tulad ng mga gamit na maaaring gamitin sa pagsasaayos at paghahanda ng silid-aralan.

2. Adopt-A-Corner Project
Ang Adopt-A-Corner Project ay isang boluntaryong programa para sa mga interesadong
indibidwal o grupo na naglalayon na pumili ng isang lugar sa paaralan kung saan ito ay kanilang
aayusin at pagagandahin. Layunin ng proyektong ito na mas maging kapakipakinabang at kaaya-
aya ang lugar na napili sa loob ng 1 taon o higit pa ayon sa kanilang kagustuhan.

3. Oplan Linis Project


Ang Oplan Linis Project ay naglalayong panatilihin ang kalinisan, kaligtasan at gawing kaaya-
aya ang GTDLNHS para sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong at
pakikiisa ng mga stakeholders, ahensya ng gobyerno at mga pribado at pampublikong
organisasyon.

4. Eco School Project


Ang Eco School Project ay isang pandaigdigang programang tumutulong sa mga programang
pampaaralan na may kinalaman sa pagbibgay ng importansya sa kapaligiran. Kasama sa
proyektong ito ang ASEAN-Japan Center at Philippine Institute of Chemical Engineers
CAMANAVA Chapter

5. Mental Health Awareness Project


Ang Mental Health Awareness Project ay naglalayong magpabatid at magturo ng kaalaman
patungkol sa usaping pangkaisipan (mental health), itama ang maling kaisipan patungkol sa sakit
sa pag-iisp, Itaguyod ang pagtulong sa mga taong nakakaranas at sumasailalim sa mga isyu na
may kinalaman sa mental health upang maiwasan ang anumang masamang maaaring maidulot sa
isang indibidwal.

Sa mga nais maging bahagi ng mga programang ito makipag-ugnayan lamang po sa ating
paaralan o sa ating Brigada Eskwela Coordinator na si Edgar F. Cariño. Maraming salamat po!

Tara na Gentinaian, makibahagi na at makibrigada eskwela na!

You might also like