You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 10

(Ikalawang Markahan, Week 5)

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon

I. Kasanayang Pampagkatuto at koda

1. Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon. (MELC 3)

Tiyak na Layunin

1. Naiisa-isa ang dahilan ng migrasyon na dulot ng globalisasyon.

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang migrasyon o ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
political patungo sa iba pa maging ito ay pansamantala o permanente ay patuloy na
nangyayari sa paglipas ng panahon Marami ang mga dahilan ang nag-udyok sa mga tao sa
ganitong kalagayan na kadalasan ay maiuugnay sa pang-ekonomikong aspeto ng buhay.
Mayroon naman nais manatili sa ibang lugar dahil sa kaligtasan.Ang iba naman ay upang
mag-aral. Maraming nais makahanap ng desenting trabaho na malaki ang sweldo at
mayroon naming pangsiguridad ang nais. Sa pag-unlad ng ekonomiya dala ng pag-unlad ng
teknolohiya nabago ang panlasa at pananaw ng mga tao. Natuto silang maghanap ng
oportunidad para mapaunlad ang buhay.

Ang pag-ikot ng mga produkto sa pandaigdigang kalakalan ay naglikha ng


oportunidad sa maayos na trabaho dahil narin sa pag-usbong ng Negosyo.

Dahil sa mga pagbabago na dulot ng globalisasyon hindi maipagkaila na bawat


mauunlad na bansa ay maghangad pa ng pagbabago na sa bandang huli naging mitsa para
mahikayat ang mga tao na lumipat sa nga lugar na sentro ng negosyo at trabaho.

Sa kabilang panig, may mga migrants na umaalis ng bansa hindi dahil sa trabaho,
kundi sa nais nilang manatili sa ibang lugar o bansa dahil sa palagay nila, mas ligtas at mas
maayos ang maging kalagayan ng buhay nila dito.

Ayon sa ILO: International Labor Organization Facts and Figures;


• Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1
porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
• Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para
maghanapbuhay.
• Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento
ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
• Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa.
• Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.

Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pangekonomiya sa


pagpunta ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa, malaki ang naipadadalang dolyar ng
mga OFW sa kani-kanilang kamag-anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.
Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng
kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya
ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad
(politikal) o maging personal.

Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing


sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng
bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa
lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan. Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay
makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal,
highly qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.

Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang


The Age of Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang
nakapangyayari bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at
marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pang-ekonomiya sa


pagpunta ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin sa
kwarter na ito na malaki ang naipadadalang dolyar ng mga OFW sa kani-kanilang kamag-
anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa araling ito, iyong matutunghayan ang epekto ng migrasyon na dulot ng


globalisasyon. Suriin ang iba’t ibang pananaw at perspektibo na makatutulong sa lubusang
pag-unawa sa paksa.

III. Panuto
Sa bahaging ito ay susukatin at ipapakita mo ang mga kaunlarang iyong natamo sa
aralin sa pamamagitan ng mga gawain at mga pagsasanay. Layunin nito na matiyak ang
iyong pang-unawa sa paksang tinalakay.

Kasama rito ang iba’t ibang uri ng pagtataya, pagsuri sa mga sitwasyon, at pagsagot
sa mga pamprosesong tanong.

Nasa huling pahina ng learning activity sheet ang susi sa pagwawasto, maaari mo
itong tingnan pagkatapos gawin ang mga gawain upang malaman mo ang iyong mga
natutunan at magsilbing gabay mo upang balikan ang iyong kailangan malaman.

IV. Pamamaraan

Gawain 1- ANG KWENTO NG BUHAY


Panuto:Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon at sagutin ang kaukulang tanong sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Isang nurse sa pampublikong hospital sa lalawigan ng Guimaras si Aning. Mula


pagkabata ay pangarap niya ang makatulong sa mga may sakit sa kaniyang lupang
sinilangan, ngunit isang araw nagbago ang kanyang pagtingin sa buhay. Mas
kailangan niya ng mas mataas na sahod para sa kaniyang pamilya. Kaya hindi siya
nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng kaniyang tiyahin na isa ding nurse na
sumumama dito pabalik sa Amerika.
Ano ang nag-udyok kay Aning na iwan ang trabaho niya sa kanilang lugar?
SAGOT: ____________________________________________________________
2. Nagtapos bilang isang guro si Petimini sa isang Unibersidad, ilang taon na siyang
nagtiyagang mag-apply para makapagturo sa pampublikong paaralan sa kanilang
baranggay ngunit hindi siya pinalad. Dahil sa hirap ng buhay umalis sya ng bansa
para mamasukan bilang cashier sa isang mall sa Dubai. Ngayon, napag-aral na niya
ang mga kapatid dahil sa ipinapadalang pera.
Ano ang dahilan ng pangingibang bansa ni Petimini?
SAGOT: ____________________________________________________________

3. Maliit pa lamang si Lirio, pangarap na nyang maging isang espesyalistang Doktor ng


Medisina kaya ngayon sa Amerika siya namalagi sa pagsusumikap na matamo ang
kanyang matagal ng minimithi.
Ano ang dahilan ni Lirio sa pagtungo ng Amerika?
SAGOT: ____________________________________________________________

4. Sa pagbago ng panlasa ng mga tao dala ng globalisasyon ng mga produktong galing


sa mauunlad na bansa, nahikayat ang maraming Pilipino na makipagsapalaran sa
mga bansang ito sa pag-asang matutunan ang teknolohiyang kailangan upang
umasenso bilang mga entreprenyur.
Bakit maraming entreprenyur ang nakipagsapalaran sa mauunlad na bansa?
SAGOT: ____________________________________________________________

5. Sa pag-unlad ng turismo ng Boracay, lalong dumami at patuloy ang pagdatingan ng


mga turistang lokal at dayuhan sa lugar na ito. Dahil dito lumaki ang kita ng mga
negosyo at naglikha ng maraming trabaho.
Ano ang dahilan ng paglaki ng kita ng mga negosyo sa Boracay?
SAGOT: ____________________________________________________________

Gawain 2: SAGUTIN MO!


Panuto: Suriin at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong upang mas lalong
mapalawak ang iyong pag-unawa sa araling ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon?

2. Ano sa iyong palagay ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon sa mga


bansang iniwan ng mga migrante? Magbigay ng halimbawa.

3. Paano nakatulong sa ekonomiya ng bansa ang Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng


bansa?

4. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa epekto ng migrasyon sanhi ng


globalisasyon?

5. Paano naapektuhan ng migrasyon ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga


Pilipino?
Gawain 3: ANO ANG DAMDAMIN MO!
Panuto: Ano ang iyong tunay na damdamin tungkol sa migrasyon, gamitin ang mga salitang
nasa loob ng panaklong at kompletuhin ang mga pangungusap upang maipakita mo ang
damdamin mo tungkol sa paksang napag-aralan.: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. (Nais, Hindi ko nais) na pumunta sa malayong lugar ang aking mga magulang
upang magtrabaho dahil ____________________________________________.

2. Kapag ako ay makapagtapos ng pag-aaral ako ay (pupunta/hindi punpunta) sa


ibang bansa dahil ____________________________________________.

3. Bilang isang mag-aaral, naisip ko na ang pangingibang bayan ay


(nakakatulong/hindi nakakatulong) sa pamilyang Pilipino dahil
______________________________________.

IV. Pamantayang Rubric sa pagbibigay ng Puntos

Rubric sa pagwawasto ng Gawain 1, 2 at 3


Kailangan pa ng
Katangi-tangi Mahusay
PAMANTAYAN pagsasanay
10 5
2
Kaayusan at Maayos at angkop Maayos at angkop Maayos subalit hindi
Kaangkupan ng ang lahat ng ang halos lahat ng angkop ang ibang
mga impormasyon impormasyong impormasyong impormasyong ibinigay
inaasahan ibinigay
Linaw ng Malinaw ang Hindi masyadong Hindi malinaw ang mga
impormasyon/ impormasyong malinaw ang mga impormasyonng ibinigay
ideya na ibinigay ibinigay impormasyong
ibinigay
Kawastuhan at Sapat at wasto ang Wasto ang mga Kulang ang mga
kasapatan ng mga mga impormasyong impormasyong impormasyon at may
impormasyong ibinigay ibinigay subalit kamalian pa ang ilang
ibinigay hindi sapat impormasyon

VI. Mga Sanggunian

Antonio, Eleanor D. et. al. Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2017. Department of
Education.

Araling Panlipunan Grade 10 Learners Module, 2017.

VII. Susi sa Pagwawasto


Maaaring magkaiba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

Note: Practice personal hygiene and health protocols at all times. Please include this in All
Learning Activity Sheets.
Inihanda nina:

ANTONNIETTE JOANNE A. SAVELLANO NORMAN R. BATTULAYAN


Guro sa Araling Panlipunan 10 Guro sa Araling Panlipunan 10

Iniwasto at Sinuri ni:

ELIZABETH O. PASCUAL
Teacher III, TIC-TLE/AP Department

Binigyang pansin ni:

CONNIE MARIE ANGELIE MAE P. BALIGNASAY


School Principal II

You might also like