You are on page 1of 1

Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga

upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan ng Pilipinas. Ang


sariling wika ang isa sa mga nakakatulong upang makilala ang
isang lahi, kung anong lahi sila, saan sila nagmula, kung sino sila
at kung ano ang kaibahan nila sa ibang lahi.
Ginamit ng tao ang wika upang magpahayag ng saloobin,
damdamin,at kaisipan. Gamit ang Pambansang wika, dito
nagkakaisa ang bawat Pilipino. Dahil sa wikang Pambansa mas
mabilis ang pag unlad ng isang bansa

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang siyang bubuklod sa


atin bilang isang lahi, isang wikang sinasalita ng buong
sambayanan tungo sa pagkakaunawaan. Ito ang dakilang mithiin
ng pangulong Manuel L. Quezon na isang nag-udyok sa kanya
upang pagsikapang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa.
Itinatakda rin sa ating konstitusyon na ang wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas.
Kamakailan lamang ay nalathala sa ating pahayagang pang araw-
araw ang tungkol sa hangarin ng Sebuanong huwag gamitin ang
Filipino sa kanilang mga paaralan at pamahalaan. Sa halip Ingles
at Sebuano ang kanilang gagamitin sa kanilang mga
pakikipagtalastasan,pansarili man o opisyal

Tinawag ang Filipino na pambansang wika ng Pilipinas noong


ideneklara ang saligang Batas ng 1973. Ang paggamit ng salitang
Filipino bilang pambansang wika ng bansa ay galing sa salitang
Pilipino. Ngunit napalitan ito ng salitang Filipino bilang
pambansang wika dahil simbolikal ang paggamit ng titik “F” isang
hiram na titik sa mga Kastila, sa pangalan ng pambansang wika
dahil nangangahulugan ito ng lalong pagiging masaklaw ng wika.
Noong 1935 ng maisulat ang Konstitusyon, napag-usapan ang
pagkakaroon ng wikang Pambansa.Itinatag ni Pangulong Manuel
Quezon ang surian noong 1936 para pag aralan at pamunuan ang
pagpili ng wikang Pambansa

You might also like