Professional Documents
Culture Documents
Let’s Analyze
2. Ang kaganapan noong unang panahon kung saan nanatili pa rin ang
pagkakaibigan at respeto nila Rizal at Del Pilar sa isa’t- isa kahit na mayroon silang
pagkakaiba sa ideya patungkol sa La Solidaridad ay nagbibigay ng malaking aral
sa mga tao sa politika ngayon. Ito ay nagpapahiwatig na dapat pa ring mapanatili
ang kanilang pagkakaisa kahit magkaiba ang kanilang mga plataporma sapagkat
kahit magkakaiba ito, iisa pa rin naman ang kanilang layunin na ipaunlad ang ating
bansang Pilipinas. Naniniwala ako na pagkakaisa ng bawat Pilipino ang
pinakaimportante upang i-ahon ang ating bayan sa krisis at nag- uumpisa ito sa
mga lider na umuupo at namumuno. Ang pagkakahindi-unawan ng mga lider na
nakaupo ay magdudulot ng pagkakawatak, pagkawasak at lalong paghihirap ng
ating bansa.
In a Nutshell